top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg

Shocked na Best Actress… MARIS, TINALO SINA CHARO, MYLENE AT BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 7, 2026



TEKA NGA - MARIS, TINALO SINA CHARO, MYLENE AT BARBIE-FB Circulated

Photo: Circulated / 9th Eddys



Halos hindi makapaniwala si Maris Racal nang siya ang tanghaling Best Actress sa ginanap na 9th The Eddys.


Napansin ang galing ni Maris sa pelikulang Sunshine. Pawang magagaling ang nakalaban ni Maris Racal sa Best Actress tulad nina Charo Santos, Mylene Dizon at Barbie Forteza, pero siya ang napili ng mga bumubuo sa Eddys, ang grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).


Kaya naman sa kanyang acceptance speech ay ibinahagi ni Maris sa kanyang mga nakalaban ang kanyang parangal.


Samantala, marami ang nagsasabing nakabuti kay Maris ang kanyang pakikipaghiwalay kay Rico Blanco. Nagkaroon siya ng panahon na harapin ang kanyang acting career at nabigyan ng pagkakataon na mailabas ang kanyang galing sa pag-arte.


Nagawa niyang isakripisyo ang relasyon nila ng singer upang maabot ang kanyang pangarap.


Handa na si Maris sa mas mature na role. Tiyak na maraming producers ang magkakainteres na kunin siya ngayong may Best Actress trophy na siya.





Para mas masaya… KIM AT RYZZA, ISAMA RAW SA MOVIE NINA VICE AT VIC



MANGANGABOG sa takilya ang pelikulang The Greatest Showdown (TGS) na pagsasamahan nina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda at isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Tiyak na blockbuster hit ito at hindi palalagpasin ng mga moviegoers.


Pangako nina Bossing Vic at Meme Vice na pasasayahin nila ang lahat ng manonood ng kanilang pelikula. Hard comedy ito kaya sulit ang ibabayad ng mga manonood.


Layunin nina Vic Sotto at Vice Ganda na hikayatin ang mga Pinoy moviegoers na muling bumalik sa mga sinehan at tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino dahil labis nilang ikinalulungkot ang pagtamlay ng movie industry.


May ilang suggestions ang mga fans kay Bossing Vic na sana ay isama nila sa TGS ang tambalang MaeBy (Ryzza Mae at Bimby), gayundin si Maine Mendoza. Tiyak na mas bobongga ang pelikula.


Sa side naman ni Vice Ganda, puwede niyang isama sina Kim Chiu, Darren Espanto at Ryan Bang.


Ang The Greatest Showdown ay ididirek ni Jun Robles Lana. Tinitiyak niya na mabilis niyang matatapos ang movie dahil sa Metro Manila lang ang shooting at walang out-of-town.





PAREHONG itinalagang Mrs. Universe Philippines ambassadors sina Kris Bernal at Chariz Solomon. Pareho silang matalino at hindi kumupas ang kanilang ganda sa kabila ng pagkakaroon na ng pamilya.


Happy si Kris sa posisyong ibinigay sa kanya. Nagsilbi itong inspirasyon sa kanyang pagbabalik-showbiz. Nagkaroon ulit ng awareness ang publiko na game uli siyang umarte.


Nakasabayan noon ni Kris si Kim Chiu at nasa peak siya noon ng kanyang career. Medyo na-insecure lang siya sa aktres-host dahil hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ito at maraming endorsements.


Samantalang nahinto ang kanyang pag-aartista nang magpakasal ang aktres sa Chinese businessman na si Perry Choi. May anak na sila ngayon.


Pansamantalang nag-lie-low sa kanyang showbiz career si Kris at nag-full-time bilang wife at mom. Pero no regrets siya dahil good provider ang kanyang mister, binigyan si Kris ng sarili niyang negosyo at ipinagpatayo ng mansiyon. At ngayon ay pinayagan pa siyang magbalik-showbiz. Nakikita kasi ng kanyang mister na iba ang kanyang saya kapag umaarte. 


Marami tuloy ang naiinggit sa magandang kapalaran ni Kris. Muli siyang binigyan ng projects ng GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page