Shocked dahil akala boy.. KRIS, BABY GIRL ANG PANGANAY
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 18, 2023

It's a baby girl for Kris Bernal and husband, Perry Choi.
Nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa last April 16 kung saan ay sabay nilang nalaman ang kasarian ng kanilang first baby.
Mapapanood sa YouTube live video ni Kris ang ginanap na party na isinagawa sa isang resort sa Pasay City at dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya.
Makikitang nag-wrestling muna ang dalawang dinosaur mascots, na ang isa ay kulay pink at ang isa ay blue naman.
Nanalo ang kulay pink na dinosaur na ang ibig sabihin ay girl ang gender ng first baby ng mag-asawa.
Gulat na gulat si Kris dahil ang buong akala niya ay lalaki ang magiging first baby niya dahil sa mga senyales.

"Akala ko talaga boy, kasi lahat ng symptoms ko, pang-boy. Tapos 'yung tiyan ko, patusok. Akala ko, boy," sey ni Kris.
"Hindi ko talaga in-expect, kasi ang alam ko, boy. Kasi talagang fixed na ang utak ko. Tapos, sabi ko, feel ko, boy talaga," aniya pa.
Pero siyempre ay excited na siya na ipanganak ang kanyang "mini me" dahil gusto na raw niya itong bihisan at ayusan.
"Whoa! May babae na rin sa family! Matutupad na ang pangarap ko na may maayusan at mabihisan. Gusto ko nang gawin lahat ng kaartehan sa kanya," masayang wika ni Kris.
Sa ngayon ay nasa halfway na raw siya ng pagbubuntis at dasal niya na maging safe ang kanyang delivery at mas tumatag ang samahan nilang mag-asawa.
"Today, I'm 22 weeks. So, halfway to go po. Sana, maging safe kami ni baby at maging strong pa ang relationship namin ni Perry," sabi ni Kris.





Comments