Shastaloo, maangas sa RTHCC, Batangas
- BULGAR
- Mar 7, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 7, 2023
Nasilayan ng mga karerista ang husay ni Shastaloo matapos ipakita ang kanyang angas sa rematehan nang manalo sa 2023 PHILRACOM "Road To Henry Cojuangco Cup" na inilarga noong Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Nagmasid sa pang-limang puwesto si Shastaloo na nirendahan ni jockey John Paul Guce, habang nasa unahan ang matulin sa largahan na si Enigmatic Linden.
Papalapit ng far turn ay kinakapitan na si Enigmatic Linden nina Treasure Hunting at Time For Glory habang gumalaw na rin si Shastaloo.
Papasok ng huling kurbada ay naagaw na ni Treasure Hunting ang unahan, nasa pangalawa si Time For Glory at naasa bandang labas si Shastaloo na malakas ang dating.
Kaya naman sa huling 150 metro ng laban sa rektahan ay naagaw na ni Shastaloo ang unahan at nanalo ito ng may pitong kabayong agwat sa pumangalawang si Time For Glory.
Inilista ni Shastaloo ang tiyempong 1:37.5 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P300,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Nakopo ni Time For Glory ang P112,500 habang tig- P62,500 at P25,000 ang third at fourth placers na sina Runway Dreamer at Bombay Nights ayon sa pagkakasunod.
Sinungkit din ng breeder ng winning horse ang premyong P25,000 habang tig-P15,000 at P10,000 ang second at third.
Samantala, may 10 karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.





Comments