top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Shastaloo, ipinahiya si Righteous Ruby sa AEMC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2022
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 22, 2022


Isinalto ni Shastaloo ang hangad ni Righteous Ruby na maka-grandslam nang manalo sa 2022 PHILRACOM Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup na ginanap sa Metro Manila Turf Club, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nasa pang-lima ang anak nina Algorithms out at Water Park na si Shastaloo sa largahan habang pangatlo sa huli ang liyamadong si Righteous Ruby.


Pero papalapit sa huling kurbada ay nasa unahan na si Shastaloo at nasa pangalawa na rin si Righteous Ruby.


Naging kapana-panabik ang sumunod na aksyon nang magkapanabayan sina Shastaloo at Righteous Ruby sa rektahan.


Mainit ang naging bakbakan ng dalawang tigasing kabayo, nasilayan ng mga karerista ang ganda ng labanan kung saan leeg lang ang lamang ni Shastaloo sa sumegundong si Righteous Ruby.


Ginabayan ni star jockey Jeffril Zarate, inirehistro ni Shastaloo ang tiyempong 2:02 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse connections ang P3-M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "First, I'd like to congratulate the Metropolitan Association of Race Horse Owners for a well-attended and successful 27th edition of their Breeder's Championships. Secondly, congratulations are also in order for the connections of Shastaloo and the rest of the winners of today's races," saad ni De Leon.


Sinungkit ni Righteous Ruby ang P1-M habang ang top six na sumikwat din ng premyo ay sina third place Time For Glory (P500,000), fourth na Bombay Nights (P250,000), 5th na Runway Dreamer (P150,000) at 6th na Starrininmydreams (P100,000).


Samantala, ayon kay De Leon marami pang malalaking karera at pa-premyo ang ilalarga sa Disyembre kabilang ang P10-million 2022 Presidential Gold Cup.


May 12 karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya masayang masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page