top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Shastaloo at Righteous Ruby, magsusubukan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 30, 2022


Magkikita muli sa pista sina Shastaloo at Righteous Ruby sa ilalargang 2022 PHILRACOM "Japan Cup" na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas sa Disyembre 11.


Kabilang sina Shastaloo at Righteous Ruby sa nominadong tatakbo sa event na suportado ng Philippine Rcing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. May distansiyang 1,800 meter race, nakalaan ang P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta kaya inaasahang bakbakang umaatikabo ang masisilayan ng mga karerista.


Ang ibang nagsaad ng paglahok ay sina Bombay Nights, Dragon Butterfly, Runway, Runway Dreamer, Starinmydreams, Sudden Impact, Time For Glory at Wonderland.


Kukubrahin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000, ibubulsa ng pangatlo ang P100,000 habang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.


Sasakyan ni star jockey Jeffril Zarate si Shastaloo habang si MM Gonzales ang rerenda kay Righteous Ruby.


Samantala, pakay ni Righteous Ruby na makabawi kay Shastaloo, natalo ang una nang magharap sila sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup noong Nobyembre 30 sa parehong lugar.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page