SHARON, WISH NA MAGING TOTOONG FRIENDS SILA NI GABBY, 'DI LANG PANG-SHOWBIZ
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 22, 2023

Wish ni Sharon Cuneta na maging magkaibigan sila ng ex-husband na si Gabby Concepcion alang-alang sa nag-iisang anak nila na si KC Concepcion.
Sinabi ito ni Megastar sa mediacon recently ng reunion concert nila ni Gabby na Dear Heart na gaganapin ngayong Oct. 27 sa SM Mall of Asia Arena.
Sa naturang mediacon ay nahilingan si Sharon na magbigay ng mensahe kay Gabby in a form of a letter. That time ay umalis na ang aktor sa venue kaya hindi na niya narinig ang sinabi ng kanyang ex-wife.
“Dear Gabby, thank you for the good times, thank you for KC, I hope we can be friends for the sake of our daughter also,” mensahe ni Shawie kay Gabo.
“Because you were my co-producer in creating KC, so we need to work together to help her become a better person,” dagdag niya.
At inulit niya na sana raw ay maging magkaibigan sila ni Gabby, not just showbiz friends kundi totoong magkaibigan.
“I mean, real friends, not just showbiz-showbiz na... ‘di ba? Wala namang reason not to,” aniya.
Pero hirit na birong mensahe niya sa dating asawa, “At huwag ka na ma-develop sa ‘kin. Alam ko, mahirap pero kaya mo.”
Nabanggit nga rin ni Sharon na akala niya ay okay na sila ni Gabby noong magkita sila sa Gabay-Guro event noong 2019.
“Okay na kami nu’ng Gabay-Guro, eh. After that, parang… ‘Ano na kayang nangyari, bakit cold na naman siya?’ ‘Ano na naman ang nangyari?’ Ano’ng ginawa ko?’ ‘Yung ganu’n,” tsika ni Sharon.
Pero nasaksihan naman ng entertainment press ang pagkikita nina Sharon and Gabby that day at warm and sweet naman ang aktor sa kanya. And yes, nakakakilig pa rin sila.





Comments