SHARON, TODO-HINAYANG NA NASIRA ANG PAMILYA NILA NINA GABBY AT KC
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 21, 2023

Naging emosyonal si Sharon Cuneta nang mapag-usapan nila sa Fast Talk with Boy Abunda ang relasyon nila ng anak na si KC Concepcion, gayundin ang nangyari sa marriage nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion.
Ayon kay Sharon, napaiyak siya nang bonggang-bongga nang dumating si KC sa rehearsal nila ni Gabby ng Dear Heart concert dahil bukod sa that was the first time na nagkasama-sama silang tatlo, na-realize niya ang malungkot na katotohanang broken family sila at marami silang nasayang na oras.
"I feel for my daughter kasi kaya ako iyak nang iyak doon sa stage when she came kasi feeling ko, parang we lost so much 'yung kaming tatlo. Kaming tatlo, Gabby, me, and KC.”
Tuluyan na ngang napaiyak si Shawie at aniya, “We could have not lost so much. We could have had a good life, the three of us, because Gabby and I were okay, but then things happened.
“Up to now, it pinches me a lot kasi bilang nanay, kahit anong ibigay mo na materyal na bagay, ang gusto ng bata, magkasama kayong magulang.”
Ipinakita sa show ang video ng pagyayakapan nilang tatlo sa Dear Heart concert at sey ni Megastar, “Look at us, the three of us. That family should have remained a family. I did not imagine that that family would break up.”
Pero siyempre, kahit may panghihinayang si Sharon sa nawasak na marriage with Gabby, she’s happy pa rin naman dahil hindi naman daw siya magkakaroon ng tatlo pang anak kung hindi nangyari ito at hindi siya magkakaroon ng asawang tulad ni Kiko Pangilinan.
“But then, I wouldn't have Kakie, Miel, and Miguel. But that's another thing,” sey ng bida ng Metro Manila Film Festival 2023 official entry na Family of Two (A Mother & Son Story).





Comments