Kaya todo-flex ng katawan sa socmed… SHARON, SUPER-PAYAT NA, KC AT MIEL, MASYUBA PA RIN
- BULGAR
- Mar 10
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 10, 2025
Proud na ipinost ni Megastar Sharon Cuneta ang bagong porma ng kanyang katawan on her Instagram (IG) post yesterday.
Panay balandra ni Mega ng kanyang latest photos sa kanyang IG lately.
Ang laki naman talaga kasi ng ipinayat ni Mega ngayon. Nakaka-amaze ang determination at disiplina na ginawa niya sa sarili para pumayat, kaya lalong nagmukhang bata at ate lang siyang tingnan ng kanyang mga anak na babae na sina KC Concepcion, Miel at Frankie Pangilinan.
In her previous post, ikinuwento niya ang kanyang “slimming” journey. Tsika pa ni Sharon, naiyak daw siya nu’ng mawala na ang kanyang “ugly extra weight.”
Post ni Sharon sa IG, “For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear. I went up to a size 24 (!) years ago, and that was when I truly panicked, because my health was suffering. I am now back to size 6-8. A small to medium.
And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn't believe I had finally lost all that ugly extra weight! Not done yet. Just a few more. I thank the Lord everyday.”
Sa dulo ng kanyang caption ay binanggit niya ang brand ng kanyang OOTD pati na ang suot niyang Rolex Daytona watch sa kanyang latest post sa Instagram.
Pinuri-puri siyempre pa si Sharon ng ilan sa kanyang mga celebrity friends gaya nina Ogie Alcasid, Jackie Lou Blanco at Mariel Rodriguez.
Pati mga bashers daw ni Mega ay nanahimik sa bagong figure niya.
Komento ng isang fan, “Sa sobrang ganda, pati mga bashers, natahimik.”
Nawa’y maging inspirasyon si Sharon nina Miel at KC.
BABALIK na ulit sa Amerika ang comebacking actress na si Hilda Koronel. Kailangan na niyang umuwi ng US para sa kanyang checkup.
Ilang beses na-move ang pag-alis ni Hilda mula sa Pilipinas para sa kanyang checkup. Bago pa siya bumalik ng ‘Pinas, naka-schedule na ang checkup niya sa kanyang doktor sa US.
Ang siste, ‘di pa tapos i-shoot ni Hilda ang “comeback movie” niya under IdeaFirst Production, ang Sisa.
May ilang shooting days pa si Hilda para sa movie, pero kailangan na raw niyang bumalik sa US.
‘Di na raw kakayanin na ma-delay pa ulit ang uwi niya.
Nagkaroon kasi ng problema sa set ng Sisa dahil sa mga bagyong dumaan sa bansa. At dahil sa bagyo, nasira rin ang set ng Sisa na sinet-up ng production, kaya baka raw maghanap na lang ng ibang location for the movie.
But let’s see kung may pagbabagong magaganap sa scheduled flight ni Hilda pabalik ng US.
Comments