top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SHARON, RUBBING ELBOWS NA SA MGA SIKAT NA HOLLYWOOD STARS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 6, 2022



Nang mag-post sa social media si Sharon Cuneta tungkol sa kanyang health condition pagkatapos ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez sa USA, maraming Sharonians ang labis na nag-alala sa kanyang kalagayan, lalo na't sinabi niyang nanghihina siya at hindi makabangon at feeling baldado.


Nasobrahan siya sa pagod dahil pitong shows ang binuo nila ni Regine para sa kanilang Iconic concert sa USA. At dahil sa kanyang kondisyon, hindi nakayanan ni Megastar ang bumiyahe pabalik ng 'Pinas.


Naunang umuwi ang Asia's Songbird. Pero, ikinagulat namin ang latest post ni Mega sa kanyang Instagram kung saan malakas na malakas siya at nagawang dumalo sa premiere showing ng movie ng sikat na Fil-Am comedian na si Jokoy titled Easter Sunday.


Makikita rin sa Instagram post ni Sharon na rubbing elbows siya sa ilang Hollywood celebrities tulad nina Tia Carrere at Lou Diamond Phillips.


Si Princess Punzalan ang kasama ni Sharon na nanood ng Jokoy movie.


Well, siguro ay naka-recover na nga si Shawie sa kanyang karamdaman kaya nakakarampa na ulit sa USA. At least, hindi na mag-aalala sa kanya ang mga Sharonians.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page