top of page

SHARON, PAANDAR LANG DAW ANG IPINAMIGAY NA FREE TICKETS SA CONCERT NILA NI GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 22, 2023



Usapang Megastar Sharon Cuneta naman.


Agree kami kay Mega idol sa naging pakiusap at paliwanag nito tungkol sa mga humihingi ng libreng tickets para sa reunion concert nila ni Papa Gabby Concepcion this October.


One night na nga lang ang naturang event na siyempre pa ay mataas ang cost and budget, and yet ay may mga friends pang imbes suportahan ay maglalambing ng ‘libreng’ ticket?


Tama naman si Shawie na kung siya nga ay nagbabayad din sa mga concerts ng mga friends niya gaya nina Gary V., Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla at iba, eh, bakit nga hindi naman magbayad ang mga friends niya sa concert nila, lalo't sinasabi nilang mga Gabby-Sharon fans sila?


Ang nakakaloka pa rito, may ilan namang bashers na nagsasabi na baka raw 'gimik o paandar' na naman ito ni Megastar para lang pag-usapan ang show dahil simula raw nang mag-open na for sale ang ticket, eh, matumal umano ang bentahan?


Grabe, ha?! Basta kami, nagpa-reserve na ng ticket at pinag-iipunan na ang once in a lifetime event na ito this October 27. Gusto ninyo ng resibo? Hahahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page