top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SHARON, MAY SARILING 'KUWEBA' SA IPINAGAGAWANG MANSIYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 25, 2022




Binisita ni Megastar Sharon Cuneta sa unang pagkakataon ang ipinapatayo niyang “mega home” or “mega mansion” sa Ayala Westgrove Heights na nasa Silang, Cavite kamakailan.


Tinawag na mega home at mega mansion ang bagong bahay ni Sharon dahil sa lawak ng lupa na sakop ng kanyang dream house. May sukat kasi na 2,300 square meters ang floor area ng bahay mula sa original plan na 3,500 sq. m.


Kasama ni Sharon na bumisita at nag-pose sa front door ng kanyang dream house ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at ang architect at contractor ng bahay na sina Conrad Onglao at Antonio Limchoc, respectively.


Caption ni Mega sa kanyang IG post, “Our first visit to our home-in-construction in Silang today. By our future front door. With our architect @conrad_onglao and our great contractor Antonio Limchoc. Best team!”


May tatlong floors ang dream house ni Mega kasama na ang basement. May main family home at meron ding sariling “she-cave” si Mega sa bahay nila ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.


"Yes, I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. My 'She-Cave,'" pahayag ni Mega in her past interviews.


Inuna raw muna ang main house para sa kanyang pamilya. At nilinaw din niya na hindi gagawing pang-parking ang basement ng bahay niya.


Bukod sa nabanggit namin, may pool area rin and doghouse.


Dasal ni Mega ay matapos na agad ang construction ng kanyang dream house.


"Matapos sana agad — pero mga 1-1/2 years pa siguro — para lahat ng doggies ko, makalipat na rin sa house nila sa may pool, may garden na kami at may sariling kuwarto ang iba sa doggies ko sa family home,” lahad ni Sharon.


Taray, pati mga aso, may sariling kuwarto, ha? Ikaw na ang maging Megastar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page