SHARON, MAY 2 TELESERYE, HOLLYWOOD TV SERIES AT MOVIE, CONCERT SA MOA, X'MAS ALBUM ATBP.
ni Julie Bonifacio @Winner | May 26, 2023

Na-excite ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa latest post niya sa kanyang mga social media accounts nu'ng Miyerkules.
Nagbigay kasi ng latest ganap si Sharon sa mga naka-line-up na projects niya ngayon para sa kanyang mga Sharonians.
Ayon kay Megastar, may gagawin siyang international project and not just one, not just two, but three! Ang bongga naman!
Sey ni Megastar sa socmed post niya, "What I have for all of you, my dearest Sharonians!
“2 Teleseryes coming up! One with Tita Malou Santos’ group at ABS-CBN AND (insert Streaming Service here!), the other with Dreamscape, the people who brought you FPJ’s Ang Probinsyano AND/OR (insert Streaming Service here!).
“On the table: 3 Filipino movies, a Hollywood TV series, a Hollywood movie for cinematic release, another Hollywood series or TV movie. Details will come once these are confirmed! A new album of Odette Quesada songs, a Christmas album too!
“Also, you might want to save up and prepare for a BIG Concert in MOA in October, me and — I don’t think you would want to miss this! I love you all! God bless us!”
Oh, 'di ba, may pabitin pa na sorpresa si Megastar sa kanyang mga fans sa kung sino ang makakasama niya sa big concert na gagawin niya sa SM Mall of Asia sa October.
Hopia ang ilang Sharonians na ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion na raw sana ang makasama ni Megastar sa kanyang concert sa SM MOA.
“I am coming home for the Sharon Cuneta-Gabby Concepcion concert!”
“#ShaGab concert! Excited much na po, Mommy Sha!”
Ayan, magiging super busy na ulit si Megastar gaya ng kainitan ng career niya noon. ‘Yan naman ang gusto ni Sharon, ‘yung halos hindi na siya natutulog sa katatrabaho. Sanay na sanay naman siya sa ganyang setup.
Dahil diyan, hindi na ulit maiisip pa ni Megastar ang mag-retire na sa showbiz.
Kamakailan lang kasi ay may hanash siya na gusto na niyang mag-retire sa showbiz at sa palagay nga namin ay malabo pa itong mangyari sa ngayon.





Comments