top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SHARON, ITINUKSO SI MAINE KAY ALDEN, NA-BASH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 5, 2023



Ipinaliwanag na ni Sharon Cuneta na nagbibiro lang siya nu’ng tinukso niya si Maine Mendoza kay Alden Richards nang mag-guest ito sa E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at mga legit Dabarkads sa TV5.


Nag-react kasi ang mga ArMaine fans nina Arjo Atayde at Maine sa ginawang panunukso ni Sharon sa dating magka-love team.


Para sa kanila, hindi maganda ang ginawang ito ng Megastar dahil engaged na sina Maine at Arjo at ikakasal na rin.


Ipinaalala pa ng mga ArMaine fans na malapit nang ikasal ang dalawa at naba-bash pa si Arjo ng ilang AlDub fans nina Alden at Maine dahil sa paniniwalang may relasyon talaga ang mga ito at inililihim lang sa publiko.


Mahinahon ang sagot ni Sharon na, “It clearly was a joke, I even congratulated her on and off-air. Sana, ‘wag masyadong sensitive kasi matagal naman silang magka-team at friends sila.”


Kaya lang, hindi masyadong tinanggap ang paliwanag na ‘yun ni Sharon dahil hindi raw maganda na tinutukso ang isang babaeng ikakasal na sa ibang lalaki.


Iba rin daw ang dating ng biro niya sa ilang AlDub fans, tila pagkumpirma raw ‘yun na ang tambalan ng dalawa noon ay “real thing”.


In fairness kay Sharon, hindi niya binubura ang mga comments ng mga ArMaine fans na hindi natuwa sa biro niya.


Siguradong nabasa rin ng Megastar ang naging sagutan sa pagitan ng mga ArMaine fans at mga fans ni Alden.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page