top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SHARON, DINALA NI KIKO SA JAPAN PARA MAG-HONEYMOON SA 27TH ANNIV NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2023
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 28, 2023




Ilang araw bago ipagdiwang nina Megastar Sharon Cuneta and former Senator Francis "Kiko" Pangilinan ang kanilang 27th wedding anniversary ay nagtungo ang dalawa sa Japan.


Sa nasabing bansa napili ng mag-asawa na magdiwang ng kanilang anibersaryo ngayong Biyernes, April 28.


Hindi kasama nina Sharon at Kiko ang sinuman sa kanilang mga anak, kaya nagmistulang "honeymoon" ang magaganap sa kanila sa Japan.


Pabirong komento nga ni Sharon sa kanyang Instagram post na baka may "mabuo" na bagong addition sa kanilang pamilya sa pagpunta nila sa Japan.


Ipinost ni Sharon ang larawan nila ni Kiko habang nakasakay sa eroplano. Caption nito sa kanyang IG post: "Konichiwa! 27th wedding anniversary namin ni neighbor (Kiko) sa 28th, kaya dinala niya ako sa Japan today!"


May pabirong hirit pa si Sharon na, "'Pag nakabuo pa naman kami at nasundan si bunso, eh, nakakaumay na. At 'pag nangyari 'yun, ibig sabihin, kundi nasapian itong si Kiks ay kinulam kami."


Muling pinatunayan nina Sharon at Kiko na kabilang pa rin sila sa mga celebrity couples na nananatiling matatag ang pagsasama sa mahabang panahon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page