SHARON, 'DI PINAPASOK SA HERMES STORE, NAG-SHOPPING GALORE SA LV
- BULGAR
- Oct 3, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 3, 2022

Muling nakaranas si Megastar Sharon Cuneta ng "pang-aapi" sa isang luxurious shop sa ibang bansa.
This time, naganap ang pandi-discriminate kay Megastar sa Hermes shop sa tinagurian niyang "happy place" for her, ang South Korea.
Mapapanood sa latest YouTube vlog ni Sharon ang 'di pagpapahintulot na makapasok sa Hermes shop si Sharon and her companion/personal makeup artist na si Peachy sa ikatlong bahagi ng kanyang South Korea tour kasama ang kanyang pamilya bilang celebration nila sa birthday ng kanyang "neighbor" na si former Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
Sa MEGA Travels-Seoul Part 3 YouTube vlog, mapapanood sa simula ang pamamasyal nila ng mga anak na sina Frankie, Mariel and Miguel with Kiko plus some of their companions sa mga kainan at merchandise stores sa South Korea.
Pagkatapos ay pumasok sa isang mall ang grupo nina Sharon kasunod ang small part sa video na naka-black and white kung saan kausap ni Mega ang lalaking staff ng Hermes na nakabantay sa gate.
In a little while, mapapanood na tinalikuran na ni Mega ang kausap na Hermes staff with matching text sa video ng ganito, "Turned away at the Hermes Store."
Kasunod ng "eksenang" 'yun ay makikita na si Sharon and her companion na nasa loob ng Louis Vuitton store kung saan she was treated as a VIP. At 'di maitago ang saya ni Mega sa ibinigay na champagne at bulaklak sa kanya ng LV staff.
“I got champagne and flowers! Thank you, Louis Vuitton,” masayang tsika ni Sharon sa video.
Maririnig sa tsikahan ni Sharon at nu'ng staff ng LV na ikinukuwento niya na isa siyang artista sa Pilipinas at 15 taon lang daw siya nu'ng magsimulang umarte.
Bitbit ang malalaking shopping bags na naglalaman ng mga pinamili niya sa LV store, dinaanan ni Mega ang harapan ng Hermes store at nagkaroon ng small chit-chat habang papalapit sa staff na nangharang sa kanya.
Tila inaanyayahan si Sharon na pumasok sa Hermes store. But she declined the invitation very nicely at sinabi ni Sharon sa staff, "No more na. Look, I buy everything."
Pinuri ng mga netizens si Sharon sa pagiging kalmado at nice pa rin despite her unpleasant experience.
"Ms. Sharon, you are humble at heart… Hermes doesn’t need your business. You could have insisted you are a “Mega Star” but you didn’t. You make us proud as Filipinos.”
"Not surprised with how rude and unhelpful that Hermes CA was to Ms. Sharon. They will judge the way how you look and discriminate you. I don't know why some people are so fond of this lux brand. LV is wayyy better even though the CA's doesn't make much commissions yet they will give you a top notch customer service."
Towards the end of the video, ini-reveal naman ni Mega na gusto na niyang tumira sa South Korea.
At ipinarinig pa niya kay Kiko ang pagnanais na manirahan na sa South Korea, habang tila wala namang narinig si Kiko sa mga sinabi ni Sharon.




Comments