top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SHARON, 'DI LULUSOT NA BEST ACTRESS BASTA KALABAN SI VILMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 30, 2023



Maganda ang review sa acting ni Sharon Cuneta sa pelikulang Family of Two (A Mother & Son Story). Mag-ina sila ni Alden Richards sa istorya. 


Ayon kay Shawie, may mabigat siyang pinagdaraanan sa kanyang personal na buhay noong isinu-shoot ang Family of Two, kaya nabigyan niya ng malalim na emosyon ang kanyang pagganap. Relate na relate siya sa kanyang role bilang overprotective mom sa nag-iisang anak. 


At sa premiere night ng Family of Two, marami ang nagsasabing malaki ang laban ni Sharon bilang Best Actress. 


For sure, umasa rin kahit papaano ang mga Sharonians na mananalo siya. Naging Best Actress na si Shawie sa MMFF noong 2009 via the movie Crying Ladies. Kung pinalad sana siyang manalo ngayong taon, pangalawa na niyang Best Actress award sa MMFF.


Kaso, may movie rin sa MMFF 2023 ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, ang When I Met You in Tokyo. At basta nandiyan si Ate Vi, hindi makakalusot si Sharon Cuneta. 


Besides, apat na beses nang nanalong Best Actress sa MMFF ang Star for All Seasons at pang-lima na niya ngayon ang kanyang trophy sa MMFF. At talagang all-out support din ang ibinigay ng mga diehard at loyal Vilmanians sa pelikulang When I Met You In Tokyo. 


 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page