top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SHARON, DEDMA SA TAMPUHAN NINA KIKO, FRANKIE AT KC

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 29, 2023



Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-react si Sharon Cuneta sa nag-viral na isyu sa pagitan ng kanyang mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan at sa nag-iisa nilang anak ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.


Naging usap-usapan nga sa social media ang ginawang pag-unfollow at block ni KC sa kanyang stepdad na si Kiko at kapatid na si Kakie sa Instagram. Napansin din ng mga netizens na binura na nga nito ang lahat ng posts niya para sa stepdad.


Instead na makisawsaw pa sa isyu, nag-post na lang si Sharon ng larawan nila ni Kiko na kumakain sa isang restaurant at nilagyan niya ito ng caption na: “Date night. Just us two habang day-off.”


Sa kabila ng lahat ng nangyari, masaya ang Megastar na nakapag-date sila ng kanyang mister.


Ibinahagi rin niya ang mga pagkain na kanilang in-order.


"Prawns with squid ink and bone marrow (!) rissotto for me and salmon for him! Great food! Good job choosing this place, Honey! @kiko.pangilinan."


Natuwa naman ang mga netizens sa pagbabahagi ni Sharon ng mga kaganapan sa date nila ni Kiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page