Sharon, binastos, idinawit sa flood control… SEN. KIKO, PINAGSO-SORRY ANG NET25 AT 2 ANCHORS
- BULGAR

- Sep 3
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 3, 2025

Photo: Sen. Kiko Pangilinan - IG
Galit si Senator Kiko Pangilinan sa umano’y pambabastos ng isang TV network sa misis niyang si Sharon Cuneta.
Nag-demand siya ng public apology mula sa NET25 at sa dalawang news anchors matapos idamay ang Megastar sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Pangilinan, hindi makatarungan ang pagbanggit sa pangalan ng kanyang asawa gayung nananahimik umano ito.
Sa Facebook (FB) page ng senador, inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa panayam ng programa kay Sen. Dante Marcoleta.
“Sa management ng Net 25: Tama ba ang pakiramdam ko na sa inyong mga anchors sa Sa Ganang Mamamayan kung saan naging guest ninyo si Senador Dante Marcoleta ay idinawit ninyo ang aking maybahay na si Sharon na wala namang kinalaman sa flood control?
“Binastos ninyo si Sharon at sinaktan ang kanyang kalooban kahit na nananahimik s’ya. Ito ba ay para dumami ang inyong viewership?
“Tama ba na idawit ang isang inosenteng taong walang kinalaman sa opisyal na negosyo ng Senado at gawing katawa-tawa ang kanyang pagkatao sa publiko? Ano ba ang ginawa ni Sharon sa inyong istasyon at sa mga anchorperson at binastos ninyo ang kanyang pagkatao?
“Hindi ganito ang mga propesyonal na broadcaster. Hindi inirerespeto ng inyong mga anchors si Sharon at sinaktan ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagkaladkad sa kanya sa isyung ito. She deserves a public apology from Net 25 and your anchorpersons,” wika ni Sen. Kiko Pangilinan.
PINAGHANDAAN ni Charlie Dizon ang 40th birthday ng mister na si Carlo Aquino.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “Advanced birthday surprise for hubby. A huge success! Grateful beyond words to everyone who made this day extra special. To our loving guests, thank you for showing your love and celebrating with us. We truly appreciate each and every one of you. Special thanks to the amazing people who helped me put this all together.”
Ang sweet naman ng komento ng aktor sa effort na ginawa ng misis, “I love you April Rose (real name ni Charlie).”
Komento ni Agot Isidro, “Na-miss ko ito pero nagwagi ang abala. Happy Birthday @jose_liwanag congrats, @charliedizon.”
“We miss you. Yes, wagi tayo,” sagot ng aktres.
Ang mga netizens ay bumati rin ng birthday greetings at iisa ang kanilang sabi…
“Happy birthday Matmat/Manong (role niya sa teleserye nila ni Anne Curtis).”
“Grabe, 40 na ‘yan… Happy birthday, Manong.”
Ngayong araw, September 3, ang actual 40th birthday ni Carlo, pero nagbigay na ng advanced surprise party ang misis niyang si Charlie.
Siguro, sa actual birthday ni Carlo Aquino, gusto ni Charlie Dizon ay solo niyang makakasama ang mister.
BTS member, nagpakatotoo…
JUNGKOOK, UMAMING MAY ADHD
IBINULGAR ng BTS boyband member na si Jungkook na siya ay na-diagnose ng ADHD (attention deficit hyperactivity disorder).
Habang nagla-live sa Weverse mula sa kanyang tahanan, ipinasilip niya sa BTS Army (tawag sa fans ng BTS) ang kanyang tirahan. Hindi inaasahan ng mga fans na sila ay sosorpresahin ni Jungkook na ipakita ang kabuuan nito.
Ang kanilang kaswal na pag-uusap ay naging isang mini-house tour kung saan ang “Golden Maknae” (halos lahat ng talents ay kayang gawin) ay nagpapakita mula sa kanyang maaliwalas na setup sa TV, layout ng hagdanan at maging sa kanyang sulok sa gym.
Ngunit ang live stream ay naging mas malalim nang sabihin ni Jungkook ang tungkol sa kanyang health condition.
Sa broadcast, nag-iwan ng komento ang isang user na humihiling sa kanya na huwag masyadong gumalaw.
Matapat na tumugon si Jungkook, na inihayag sa unang pagkakataon na mayroon siyang adult ADHD.
“Hindi ko mapigilan. Medyo may adult ADHD ako, mayroon ako nito kaya patuloy akong gumagalaw nang ganito,” pag-amin niya, na nagpapaliwanag na ang patuloy na
paggalaw ay isang bagay na pinipilit niyang kontrolin.
Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa komentong nag-udyok sa kanyang pag-amin, habang binibigyang-suporta at pang-unawa si Jungkook ng mga fans.
Para sa ARMY (fans ng BTS), ang katapatan ni Jungkook ay lalong nagpalalim ng kanilang paghanga sa kanya.
Samantala, ang banda ay magkasamang muli sa South Korea pagkatapos ng kanilang pagbisita sa USA. Sila ay naghahanda para sa kanilang pagbabalik sa 2026.










Comments