Never daw nag-away, Kylie… JERIC: ALJUR, MASIPAG AT LOVE NA LOVE SI AJ
- BULGAR

- Dec 13, 2025
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 13, 2025

Photo: File / IG _ajravvs & FB Jeric Raval Daily
Late nang dumating si Jeric Raval sa nakaraang Christmas party-thanksgiving ng Mamay Productions ni Nunungan Vice-Mayor Marcos Mamay na ginanap sa Music Box last week dahil galing pa raw siya sa Subic.
Si Jeric ang gumanap sa life story ni Mayor Mamay sa pelikulang Mamay: A Journey to Greatness kung saan nanalo pa nga ang aktor ng Best Supporting Actor sa nakaraang 73rd FAMAS Awards.
Thankful si Jeric kay Mayor Mamay sa chance na ibinigay sa kanya para gumanap sa buhay nito dahil nagka-award na siya, nagbukas pa ito ng mas maraming trabaho sa kanya sa showbiz. Kaya until now, hindi naman nawawalan ng projects ang action star.
Nakapanayam namin si Jeric habang ginaganap ang thanksgiving party ng Mamay Productions at napag-usapan siyempre namin ang naging pag-amin recently ng favorite daughter niyang si AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda na may 5 na itong anak (namatay ang second child).
Ani Jeric, nabunutan daw talaga ng malaking tinik sa dibdib si AJ sa pag-amin nito at siyempre, masaya rin siya para sa anak at kay Aljur Abrenica na wala nang kailangang itago ngayon.
Aminado si Jeric na sa 18 anak niya sa 7 babae (may 15 na rin daw siyang apo), si AJ talaga ang itinuturing niyang prinsesa dahil lumaki ito sa dibdib niya kaya ganu’n sila ka-close.
Tinanong namin si Jeric kung boto naman siya kay Aljur para kay AJ at in fairness, pinuri niya ang manugang.
“Aljur is a good provider, may sense of responsibility. Okay naman, kasi kung may nakikita akong problema, ‘di naman kami magkakasundo. ‘Di naman makakalusot sa akin ‘yung mga ganu’n, eh,” ani Jeric.
Wala naman daw siyang maibibigay na payo rito dahil nakikita niyang masipag ang aktor at love na love raw nina AJ at Aljur ang isa’t isa. Actually, never pa nga raw niyang nakitang nag-away ang dalawa.
About sa kasal, ayaw niyang pakialaman ang desisyon ng dalawa, pero siyempre, siya ang unang-unang magiging masaya kapag nangyari ito.
Hindi lang maganda at matalino, very talented pa ang singer na si Isha Ponti dahil sa kanyang murang edad na 13, nakapag-compose na pala ito ng kanta, na kung susumahin ngayong 19 years old na siya, nasa 24 songs na raw ang naisulat niya.
Few days ago, nag-launch si Isha ng kanyang first Christmas song titled Wala Ka Sa Pasko at for sure ay maraming mata-touched kapag napakinggan ang lyrics nito at ang magandang boses ni Isha na ang linis-linis, in fairness.
At bukod sa pagiging singer-composer, CEO rin si Isha ng Ponti Entertainment Productions na siyang nag-produce ng magaganap na concert ngayong gabi sa Music Museum titled The Next Ones, kung saan makakasama niya ang Bossa Nova Darling na si Andrea Gutierrez.
Special guests naman nila ang OPM icon na si Rey Valera together with Nathan Randal, Graciel Hizon, Maurice, DIV9, Azter, Aquila Packing and Raymond Gorospe.
Si Adonis Tabanda ang musical director at si Calvin Murphy Neria naman ang concert director.
Dream come true para kay Ishi na minsan na ring nanalo sa isang international singing contest ang makapag-produce ng The Next Ones na makakapagbigay ng platform sa mga tulad niyang singers na maipakita ang kanilang talent sa publiko.
Bukod sa concert, naka-lineup na rin ang album launch ni Isha sa 2026.
“I want this album to reflect who I am and who I’m becoming,” she shares. “It’s my heart, in music form.”
Nominado rin si Isha sa 38th Aliw Awards for Best Pop Female Artist of the Year. On December 18, she will also be honored with 'The Next Gen Award' presented by the Asia Leaders Awards and the Embassy of Malaysia, in collaboration with Rising Tigers Magazine, a prestigious acknowledgment of her influence as a young leader in music and creativity.
Congrats and good luck, Isha Ponti!

BLIND ITEM: Ang tindi talaga!
CONTROVERSIAL BIG TIME BUSINESSMAN, MAY DYOWANG AKTRES NA, MAY IBINABAHAY PANG 15-ANYOS NA BUNTIS NGAYON
MATINIK talaga sa babae ang controversial big-time businessman na dyowa ng sikat na aktres.
Ang alam ng marami, ang magandang aktres lang ang karelasyon nito ngayon. Pero may nakapagbulong sa aming very reliable source na may ibinabahay palang 15-year-old college student ang big time businessman sa isang posh subdivision sa Pasig City.
Ang siste, 4 months preggy ngayon ang 15-year-old girl at kasama nito sa bahay na ibinigay sa kanya ni big time businessman ang kanyang mga magulang.
Ang tanong, alam kaya ng magandang aktres na may ibang nadyontis ang kanyang rich papa at tatanggapin kaya niya ito kung sakali o magiging dahilan ng kanilang hiwalayan?
Naku! Ang tindi naman kasi ni Sir, may-edad na, mahilig pa rin sa bagets!
Well, abangan ang susunod na kabanata sa kuwentong ito!
















Comments