top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SHARON AT KC, 9 MONTHS BAGO NAGKITA ULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 6, 2023



Matagal palang hindi nagkita ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion at first time nilang magkita after so many months sa rehearsal ng Dear Heart concert noong Oct. 26.


Ibinahagi ni Sharon ang video ng reunion nila ni KC sa rehearsal kung saan ay napaiyak na siya agad nang makitang paparating ang anak.


“When someone yelled “Mama!” and I saw it was KC… Oct. 26, 2023. MOA Arena rehearsals for Dear Heart The Concert,” ang caption ni Megastar.


Makikita sa video na parehong naging emosyonal sina KC at Sharon habang nagyayakapan at lumapit naman si Gabby Concepcion sa kanila para i-comfort ang mag-ina. At that moment ay para silang isang kumpleto at masayang pamilya.


Sa isa pang post ni Shawie ay nagbahagi pa siya ng iba pang detalye sa pagkikita nila ng anak.


Ayon kay Sharon ay sinorpresa siya ng kanyang panganay nang bisitahin siya sa rehearsal at first time nilang magkita ulit since January.


“Oct. 26, 2023 - the night before our MOA Arena concert, KC surprised me while we were rehearsing…It was the first time I saw her again since my birthday on January 6…” kuwento ni Mega.


“Buti that night siya dumating, kasi nag-iyakan kaming mag-ina sa pagka-miss sa isa’t isa… Eh, kung sa show kami mismo nagkita, malamang ‘di kami nakakanta!” patuloy niya.


Ayon pa kay Mega, kahit hindi naman daw sila nagkikita ay nagte-text-an sila at nagpapadalahan ng gift sa isa’t isa.


“KC will always be my baby #1 no matter how old we both get…I love you, Toot…And thank you again for my blinged-out thermos! I used it again in Okada. Unconditional always…” sey pa ni Sharon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page