SHAINA, TANGGAP NA PANDISPLEY LANG NI PIOLO, NEVER INAMING GF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 09, 2022

Nag-react ang mga netizens sa latest interview ni Piolo Pascual kung saan natanong siya tungkol sa rumored relationship nila ni Shaina Magdayao matapos mag-viral ang mga sweet photos nila na kuha sa Bohol kasama sina Jodi Santamaria at Raymart Santiago nu'ng October, 2021.
Sabi kasi ni Piolo sa interview, "What you see is what you get" at hindi naman nito diretsahang nilinaw kung mag-BF-GF nga ba sila ni Shaina o hindi.
Komento ng mga netizens…
"Next thing you know, separated na sila w/o knowing the reason why. Bakit ba Papa P? Sana mag-asawa ka na at your age."
"I think they've been together for over 8 years na raw. And low key sila, actually, parang recently lang may lumabas na photos ulit nila na cozying up together. If they do not end up naman sa marriage, eh, sawsawera lang tayo, so wala silang kailangang i-explain sa atin!"
"'Yan ang lalaki! Matipid sa mga sagot. Parang 'yung lagi mong maririnig na litanya lang ni Boy Abunda, 'What you see is what you get.' Toroy!"
"Love ko sina Piolo and Shaina separately and together na rin."
"Ang tagal na nila, ah? Naku, Papa P, kung wala kang balak panindigan si Shaina, better leave her na lang para makahanap pa siya ng better sa kanya at makabuo ng pamilya. Ikaw kasi, ok lang sa 'yo maging bachelor, may anak ka na, eh, si Shaina, tumatanda na rin, 'no? Need din niya ng sariling family."
"Gusto naman ni girl 'yun, so 'wag mong sisihin si Piolo. Alam ni Shaina kung ano ang pinasok niya."
"Gusto naman ni Shaina, siya nga ang laging dumidikit kay Piolo. Seasonal ang kanilang pagka-sweet, hahaha!"
Marami ang may gustong pakasalan na ni Papa P. si Shaina.
"Marrying age na si Shaina, kung 'di niya pakakasalan, leave her alone."
"May mga babaeng ayaw ng asawa't anak, what makes you think na hindi gusto ni Shaina ang ganyang setup?"
"Non-sense, 'yan lang masasabi ko, non-sense."
"Hahahahahaha! Tawang-tawa ako is all about non-sense stuff…non-sense!"
"2022's Word of the Year: non-sense. Hahaha!!!"
"In fair kay Shaina, from John Lloyd (Cruz) to Piolo. Superstars!"
"Ilang years na rin naman mula nu'ng laging silang 2 ni Shaina ang magkasama sa mga events ng ABS. I thought mag-jowa na sila dati pa."





Comments