top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Señorita Bonita, nagpasaya sa Rating based Handicap

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 14, 2022


Pinasaya ni Señorita Bonita ang kanyang mga tagahanga nang manalo sa PHILRACOM Rating based Handicapping System na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, kahapon.


Hindi binigo ni Señorita Bonita ang mga liyamadista, ipinakita nito ang kanyang husay para masilo ang inaasam na panalo. Sinakyan ni veteran jockey Rodeo Fernandez, ipinuwesto nito si Señorita Bonita sa tersero pag-arangkada ng karera, subalit papalapit sa kalagitnaan ng karera ay kumuha ng segundo ang pambato ni horse owner Antonio F. Lagdameo.


Nagtagisan ng bilis sa unahan sina Quid Pro Quo na siyang bumandera at Señorita Bonita at umabot ang bakbakan hanggang rektahan.


Sa huling 100 metro ng laban ay umungos ang Señorita Bonita at nanalo ito ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang Quid Pro Quo.


Inilista ni Señorita Bonita ang tiyempong 1:28 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ni Lagdameo ang P150,000 premyo ng kanyang kabayo. Terserong tumawid ng meta si Raxa Bago habang pumang-apat si Sultanov sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagwagi si Classy Babe sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ginabayan ni dating PSA Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce, inirehistro ni Classy Babe ang oras na 1:27.6 sa 1.400 meter race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page