top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sey n'yo, Vice at Coco? DIREK PAUL, 'DI NANINIWALANG DAPAT BIG STAR ANG BIDA SA MMFF PARA KUMITA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 12, 2022



Hindi naniniwala si Direk Paul Soriano sa sinasabi ng ilang movie producers na kailangang tambakan ng malalaki at sikat na artista ang isang pelikula na entry sa MMFF para makatiyak na panonoorin at kikita nang malaki sa takilya.


Para kay Direk Paul, mahalaga pa rin ang ganda ng istorya ng isang pelikula at kung maaaliw ba ang mga moviegoers tulad ng pelikulang My Teacher na entry ng Ten17P sa MMFF 2022.


Sina Toni Gonzaga at Joey de Leon ang mga bida sa My Teacher na co-producer ang misis ni Direk Paul.


May entry din sa MMFF 2022 sina Vice Ganda (Partners In Crime) at Coco Martin (Labyu with an Accent katambal si Jodi Santamaria) at marami ang nagsasabing llamado na sila sa filmfest.


Ganunpaman, hindi rin naman matatawaran ang karisma ni Toni nang lumantad siyang BBM supporter. Nag-trending si Toni sa iba't ibang isyu na ibinabato sa kanya ng mga bashers-haters.


Naging bentahe pa kay Toni ang mga intriga at kontrobersiya dahil lagi siyang pinag-uusapan ng lahat.


Ang pagsasama nila ng veteran comedian-host na si Joey de Leon ay isang malaking oportunidad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page