top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey mo, Rabiya? JERIC, SUNUD-SUNOD ANG PROJECTS, NEXT ALDEN NG GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 29, 2022



Marami ang nagsasabi na si Jeric Gonzales ang susunod na Alden Richards na sisikat nang husto. Lutang na lutang kasi ang kanyang kaguwapuhan at galing sa pag-arte sa Start-Up PH.


At habang nagtatagal ay lalong lumalakas ang kanyang karisma sa tao. Lumalawak ang kanyang fan base at mabenta na siya bilang endorser.


Hindi mo iisipin na noong nagsisimula pa lang siya sa GMA-7 ay isa siya sa mga nag-audition sa Destiny Rose na napunta kay Ken Chan.


Ganunpaman, may mga shows naman na ibinigay sa kanya kaya unti-unting nahasa ang kanyang talento sa pag-arte.


Balita namin, may bagong serye siyang gagawin sa GMA-7 pagkatapos ng Start-Up Ph. At bongga dahil tinaasan na rin daw ang kanyang talent fee!


Another good news for Jeric Gonzales ay nag-renew siya ng kontrata sa Bench. At may ilang offers pa na dumarating para sa product endorsements.


It seems si Jeric nga ang nakatakdang sumunod sa kasikatan ni Alden Richards, kahit wala siyang ka-love team na idolo ng masa tulad ni Maine Mendoza na nakatulong nang malaki sa career ni Alden Richards.


Kaya, dapat na alagaan ni Jeric Gonzales ang kanyang imahe sa publiko. Sa career muna siya mag-focus nang husto at alalay lang sa kanyang love life kahit may balitang nagkabalikan sila ng ex-GF niyang si Rabiya Mateo.


Marami pang blessings ang darating sa kanya. 'Wag niyang sayangin ang oportunidad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page