top of page

Sey mo, Mayor Lacuna? ISKO, GAME GUMASTOS NANG MILYONES MAKABALIK LANG SA MAYNILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 28, 2024


Showbiz News
Photo: Honey Lacuna & Isko Moreno / FB

Seryoso na nga si Yorme Isko Moreno sa plano niyang muling pagsabak sa pulitika. 

Sa kanyang balwarte sa Maynila siya pupuwesto at maraming Manileños ang humihiling na muli niyang pamunuan ang lungsod dahil marami siyang pagbabagong nagawa. 


Ramdam ng lahat ang kanyang pagmamalasakit para sa kapakanan ng mga taga-Maynila. 


Samantala, mabibigat ang mga kalaban ni Yorme Isko sa 2025 elections tulad ng kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Honey Lacuña at ng boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa, kaya ito ang paghahandaan niya.


Sa isang interview, binanggit ni Isko na handa siyang magbenta o magsangla ng kanyang mga properties para sa kanyang political career. 


Milyun-milyon ang puhunan ng kanyang mga kalaban, pero naniniwala si Yorme Isko Moreno na hindi pa rin malilimutan ng mga Manileños ang kanyang magagandang nagawa sa lungsod.


Aktres, ka-holding hands pero friend lang daw... KOBE, PINAYUHAN NI BENJIE NA ‘WAG .,PAGLARUAN SI KYLINE


Showbiz News
Photo: APV Media & Circulations / FB

Marami ang nagtatanong kung okey lang kaya kay Kyline Alcantara na itinatanggi ni Kobe Paras na nobya siya nito.


Sa kabila ng kanilang pagiging sweet kapag nagde-date ay wala pa pala silang seryosong relasyon nang lagay na ‘yun?


Pahayag ni Kobe sa mga Marites na nagtatanong sa real score nilang dalawa, “Kyline is not my girlfriend, we are just great friends, close friends.” Hindi pa raw niya itinatanong kay Kyline kung payag ito na maging girlfriend niya.


Well, naipakilala na ni Kobe si Kyline sa kanyang Daddy Benjie Paras at kapatid na si Andre. Nakakasama na rin ang Kapuso actress sa mga family gathering ni Kobe. 


Ayon naman kay Benjie Paras, alam niyang seryoso kapag nai-in love ang kanyang anak at pinayuhan niya ito na huwag gawing biro ang pakikipagrelasyon. 


Hindi raw nakikialam si Benjie kung sino ang mamahalin ng anak, ang mahalaga ay maligaya ito. 


Sa ngayon ay pahinga muna si Kobe Paras sa kanyang basketball career, pero lagi pa rin itong nagpapraktis at inaalagaan ang kanyang katawan.



Kim, knows mo ‘yan? RHEN, TUNAY NA GF DAW NI PAULO, INAWAY NG KIMPAU FANS


Showbiz News
Photo: APV Media & Circulations / FB

Bina-bash at pinag-iinitan ng KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) fans ang aktres na si Rhen Escaño. Ipinakakalat pa ang balitang si Rhen ang tunay na girlfriend ni Paulo Avelino at pang-showbiz lang ang sweetness nila ni Kim. 


Well, paglilinaw naman ng kampo ni Rhen ay hindi totoo na siya ang nobya ni Paulo. Ni minsan ay hindi sila lumabas upang mag-date.


Samantala, labis na ipinag-aalala ni Rhen ang mga isyu sa kanya na naglalabasan ngayon. Apektadung-apektado siya dahil personal na ang mga banat sa kanya ng KimPau fans. Wala naman siyang balak agawin si Paulo Avelino kay Kim Chiu, kaya pakiusap ni Rhen Escaño sa mga fans ay ‘wag maging judgmental. Alamin muna nila kung sino ang nagkakalat ng fake news. 




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page