top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sey mo, Matteo? X'MAS WISH NI SARAH: MAKASAMA KO ANG MGA MAHAL KO SA BUHAY

BULGAR
Dec 14, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 14, 2022




Nalungkot na naman ang mga fans ni Sarah Geronimo para sa kanya nang marinig ang sagot sa tanong ni Darren Espanto kung ano ang kanyang Christmas wish.


“Alam ni Lord ‘yun, makasama ko ang mga mahal ko sa buhay habambuhay — habang ako ay nabubuhay,” ang sagot ni Sarah.


Kung tutuusin, simple lang ang Christmas wish ni Sarah at madaling mangyari dahil nasa bansa naman ang kanyang pamilya. Mahirap lang dahil hindi pa rin nila naaayos ng kanyang mga magulang kung anuman ang problema sa pagitan nila.


Ilang Pasko na bang hindi nakakasama ni Sarah ang kanyang mga magulang at kapatid, siguradong miss na miss na nito ang kanyang pamilya.


Nai-imagine namin na kapag naayos na nila ang kanilang problema, mahigpit na yakapan, maraming iyakan at malulutong na tawanan ang maririnig sa kanila.


Sabi nga ng mga Gen Z, “Make it happen!” at sana, the soonest na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page