Sey mo, Matteo? SARAH: KASAL, ‘DI GUARANTEE SA FOREVER
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 15, 2023

Kung maraming pinaiyak si Sarah Geronimo sa inihandog niyang tribute for her parents sa kanyang katatapos lang na 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum, maraming netizens naman ang kinilig sa mga lambingan moments nila ng asawang si Matteo Guidicelli on stage na ang term pa ni Regine Velasquez ay 'landian'.
Nag-viral ang mga videos ng sweet moments ng mag-asawa habang sila ay nasa stage at talaga namang nagtilian ang audience sa sobrang kilig.
Isa sa mga nakakakilig na sandali ay nang ipakilala ni Matteo ang kanyang misis, "Ladies and gentlemen, my beautiful wife. The most beautiful person in this whole entire world – Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli."
Sabi naman ni Sarah, "Alam mo, Mahal, wala kang choice. Ikaw nagdesisyon niyan, eh. Forever na 'to."
Sagot naman ni Matteo, "Forever talaga."
But seriously, ani Sarah, "Alam n'yo po kung ano 'yung natutunan namin sa marriage? Ang forever, 'di 'yan guaranteed, 'no?"
She added, "What will make you last for a long, long time is your faith in God, 'di ba, Love?
Continuous 'yun, 'yung pagtitiwala, and you continue to grow, kayo pong mag-asawa, 'yung faith ninyo sa Panginoon, hindi nawawala, 'di ba, Love?"
Ipinagmalaki rin ni Popstar Royalty ang suporta at tiwala sa kanya ng mister na isa sa mga nag-encourage sa kanya upang gawin ang nasabing concert.
Dapat daw ay noong nakaraang taon pa ng December idaraos ang 20th anniversary concert ni Sarah, pero dahil sa kabado siya ay na-delay ito nang na-delay.
"May mga tao po talaga na patuloy po na nag-push sa akin to do the show at isa po ru'n ang asawa ko. Thank you, Love," sey ni Sarah.
Sigawan ang mga tao at lalo pa itong lumakas nang sabihin ni Matteo na "You're the best thing that ever happened to me," at pagkatapos ay nag-duet na sila.





Comments