Sey mo, Kylie? ALJUR, PROUD NA TAGA-TIMPLA NG KAPE NI AJ
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 23, 2023

Naaliw ang mga netizens sa bagong post ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram.
Sa IG, makikitang nagpe-prepare siya ng coffee.
Ang coffee ay para sa kanyang "Senyora" AJ Raval.
Agaw-pansin ang isinulat na caption ng actor, "Sa'n ka na? Malamig na kape mo" at itinag niya si AJ.
Matatandaang sa previous Instagram post ni Aljur ay nag-iwan din ng remark si AJ sa comments section.
Hmmm... mukhang unti-unti nang isinisiwalat ng rumored couple ang kanilang relasyon.
Ito na kaya ang sinasabing wish ng actor para kay AJ nang mainterbyu ang estranged husband ni Kylie Padilla before Christmas, ang makitang masaya si AJ?
Kasal pa si Aljur kay Kylie. Magagawa na nga kaya niyang aminin ang matagal nang rumored relationship nila ni AJ?





Comments