top of page

Sey mo, Kris?... SIGAW NI SHARON: NAKA-ROLEX AKO KAHIT NAGSU-SWIMMING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 15, 2021
  • 4 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 15, 2021





Nakyutan kami sa ipinost ni Megastar Sharon Cuneta na V-day gift sa kanya ng hubby niyang si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.


Sa unang V-day gift post ni Mega sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga nakaayos na parang flower bouquet pero ang laman ay iba't ibang uri ng gulay.


Caption ni Sharon sa IG post niya: "Eto na naman ang neighbor kong asawa ko. Balentayms gip niya gulay! At basahin n’yo please ang isinulat. Hahahaha!"


Ang mga gulay ay mula sa farm nina Sen. Kiko at Mega sa may bandang dulo ng Cavite. At the same time, food advocate, especially mga gulay, si Sen. Kiko.


Ang laman ng 'bouquet of vegetables' ay cauliflower, kalamansi, sili at puso ng saging mula sa kanilang Sweet Spring Country Farm (all-natural, chemical free).


Kasama ng mga gulay ang sulat ni Sen. Kiko kay Mega kung saan nakalagay ang sinisimbolo ng mga ito sa Araw ng mga Puso.


"To my dearest Sweetheart, Sharon.... Cauliflower-kakaibang bulaklak for sure, mabubusog ka sa forever na pag-ibig. Siling Pangsigang-dahil umuusok pa rin sa anghang ang ating pag-ibig after all these years, pag-ibig sa isa't isa at pamilya Calamansi at Kamias-dahil may asim sarap ang ating pagmamahalan. Puso ng Saging-dahil ang puso ko belongs to you only and us other!! Happy, Funny Valentine's Sweetheart. I love you!! Francis."


Isa sa mga followers ni Mega na natuwa ay ang kanyang "sister" na si Judy Ann Santos.

"Ang cute-cute ni kuya! Hahaha!” comment-post ni Juday.


May netizen naman na nag-comment na praktikal daw si Sen. Kiko. May nagsabi rin na 'parang Bahay Kubo Valentine's Edition.'


Pero sa sumunod na IG post ni Mega, piktyur na ng tunay na bouquet of red roses ang gift ni Sen. Kiko.


"Pero siyempre naman, may magagandang bulaklak din na bigay ang asawa ko sa akin. Nakakaloka lang ang isinulat na naman sa card!!! Hahaha!" caption ni Mega.


Ang tinutukoy niya ay ito, "...and whenever I kiss your lips, I know our love's for keeps. Haha! I love you always, always, always. Forever, forever, forever. Francis."


Bawing-bawi naman pala si Sen. Kiko sa nauna niyang ipinadala kay Mega, ha?


Anyway, in-upload na rin ni Mega ang part II ng kanyang watch collection before V-day.



"There are pieces that I've chose kasi may meaning po sa akin. And some of them, I just love," panimula ni Mega sa kanyang video.


Nakakatuwang makita at mapanood ang mga jewelries at iba pang mga pag-aari ni Mega sa social media. The way she presents it kasi, mababanaag ang kanyang true personality kahit 'di siya kilala.


Ang hilig din ni Mega na magbigay ng "nametag" sa mga gamit o pag-aari niya, gaya nu'ng mega-house na ipinapatayo niya sa Silang, Cavite na tinawag niyang "forever home."


Sa kanyang My Watch Collection part II ay may tinawag siya na "happy watch" niya na binili niya sa Bangkok, Thailand.


Birthday gift daw niya 'yun for herself. Usually daw ‘pag birthday niya ay relo ang ibinibigay niyang gift sa sarili. Pero matagal na raw siyang hindi nakabili ng birthday gift for herself na relo since her Mommy Elaine Cuneta died.


"I call it My Happy Watch because it's my only watch that has different colors in the numbers," kuwento ni Sharon.


Her 'happy watch' is called Master Square Franck Muller.


Ipinakita rin ni Mega ang antique Omega watch niya, ang Bulgari na binili niya habang nasa Hong Kong sila ni Sen. Kiko for their honeymoon, ang yellow and white gold watch niya na Rolex Datejust, ang large Rolex watch na gift niya sa ama, ang Cartier watch na binili niya when she brought KC Concepcion right after her graduation sa Paris, France, ang apple green strap Long Island Franck Muller na tadtad ng diamond sa loob and on the side at isa pang red-strapped Master Square Franck Muller again.


Pinakabongga para sa amin na ipinakita ni Sharon ay ang diamond-studded Rolex Datejust watch with matching malalaking ruby stones.


"This is special. I don't know if they have it now. The bracelet is all diamonds. Big diamonds than any Rolex I have. And I'm proud of it- this is rubies (sa palibot ng relo). It also has diamonds inside. Kasi, hindi ko po binili ito," lahad ni Sharon.


Dagdag pa niya, “When I got this, this is the only one in the world."


Bigay daw 'yun sa kanya ng isang royalty nu'ng mag-perform siya sa harap nito with other singers.


Ang nabalitaan lang namin na mahilig magbigay ng mamahalin and one-of-a-kind watch gaya ng kay Sharon ay ang hari ng Brunei na si Sultan Hassanal Bolkiah.


Ipinakita rin ni Mega ang pinakamahal niyang relo, mas mahal pa raw kesa sa Rolex, ang kanyang blue-strapped Vacheron Constantin.


Surrounded by sapphire and diamonds ang Vacheron Constantin ni Mega kaya alam na kung bakit ito ang pinakamahal na binili niya.


Ayaw ng mga netizens. Baka naman i-bash siya gaya ng pag-post niya sa basement parking ng kanyang "forever home" kung saan tinawag na mayabang at mahangin si Sharon.


Water resistant daw ang karamihan sa kanyang mga relo, especially ang kanyang Cartier at Rolex watches.


"Because I swim with watches on. I swim and I take a bath and I take a shower with my watches on," say ni Mega.


Naku, bigla tuloy naming naalala si Kris Aquino. Kasi kung si Kris ay may pa-rose quartz ‘pag naliligo, si Mega naman, suot ang kanyang mga mamahaling relo!


And speaking of Kris, kabog na kabog na siya ni Mega sa mga ipino-post na properties, watches, and bags, ha?


Matapatan kaya niya ang mga posts ni Mega Bilyonarya?


Ano kaya ang say ni Kris sa yaman ni Sharon?


Kris Aquino left the group. (And Jinkee Pacquiao joined the group, char! – JDN)


Ganern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page