top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sey mo, Kris? RUFFA, PROUD NA 25 BESES SA ISANG ARAW MAG-TEXT SA KANYA SI HB

BULGAR
Jun 22, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 22, 2022




Traumatic experience para kay Ruffa Gutierrez ang kanyang dinanas sa piling ng rich businessman na si Yilmaz Bektas. Pagkatapos ng kanilang kasal dito sa 'Pinas, ilang taon ding nanirahan noon sa Istanbul, Turkey si Ruffa hanggang sa nagkaroon sila ng dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice.


Pero, hindi nga pumayag si Ruffa na forever siyang magtitiis at walang kalayaan. Kahit na sagana siya sa materyal na bagay dahil multi-millionaire si Yilmaz at kayang ibigay ang lahat ng kanyang gusto, hindi pinagsisihan ni Ruffa G. na iniwan niya ang mister at bumalik sa 'Pinas.


Binalikan din niya ang kanyang showbiz career upang itaguyod ang dalawang anak.


Ngayong nagdadalaga na sina Lorin at Venice, payapa na ang kalooban ni Ruffa at happy naman siya being a single mom. Ngayon ay balitang-balita na may relasyon sila ni dating QC Mayor Herbert Bautista. Hindi naman nila ito itinatago sa publiko.


Hinangaan ni Ruffa ang pagiging mabait, matalino at respectful ni Bistek. Sa unang date nga raw nila ay kasama pa nila sina Lorin at Venice.


Marami rin ang kinilig sa kuwento ni Ruffa na 25 times a day kung mag-text sa kanya si HB.


Well, at this point of Ruffa's life, hindi na raw niya balak magpakasal sa lalaking makakarelasyon. Never na niyang nanaisin na makasal ulit pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yilmaz Bektas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page