Sey mo, Kabayan Noli? MGA REGALO SA KASAL NINA ARJO AT MAINE, IPAMIMIGAY SA MGA NANGANGAILANGAN
- BULGAR
- Jul 31, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 31, 2023

Bago magtapos ang programang TV Patrol noong Biyernes (July 28, 2023) ay nagkomento ang newscaster na si Noli de Castro tungkol sa kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na naganap sa araw na ‘yun sa Baguio City.
Ibinalita kasi ni Gretchen Fullido sa kanyang segment na Star Patrol sa nasabing programa ang kasalang Arjo-Maine, kaya’t bago nagpaalam ang mga news anchors na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano ay kinongratyuleyt muna nila ang bagong kasal.
Kung ang tatlong kasamahan ay masaya at binati ang newlyweds na sina Maine at Arjo, iba naman ang naging pahayag ni Noli, “Kayo, habang ikinakasal, kawawa naman ‘yung mga binabagyo.”
Maging sina Karen at Bernadette ay ‘di inaasahan ang komento ni Noli, kaya napasabi na lang sila ng “‘Eto naman, oh.”
Well, siyempre, hindi nagustuhan ng mga netizens ang inasal ni Kabayan Noli at binash nila ito.
Hindi kaya aware ang newscaster na nagpasabi na ang mag-asawa na ‘di sila tatanggap ng anumang wedding gifts sa kanilang special day, sa halip ay hinikayat nila ang kanilang mga guests na magkaroon ng donation drive para sa mga mas nangangailangan?
Statement in behalf of Arjo and Maine, “Also, with both the bride and groom blessed in their respective career, they would rather “pay it forward” than receive gifts.”
“In lieu of presents, we would appreciate extending your help fund a donation drive that we are planning to do after our wedding. The proceeds will be distributed to a number of indigenous groups in Luzon. We will personally share the gift you are blessing us to bless other people who need it more.”
Ano kaya ang masasabi rito ni Kabayan Noli?




Comments