Sey mo, Jak? BARBIE, OPEN NA SA MGA LALAKI
- BULGAR
- 5 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 9, 2025
Photo: Barbie Forteza - Toni Talks
Sa social media post ng producer at multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang iniidolong aktres na si Janice De Belen. Makikita sa larawan na sobra ang saya ni Sylvia dahil natupad ang pangarap na makaeksena ang idol niyang si Janice. Caption ng post niya:
“Lumaki akong ikaw (Janice) ang idol ko sa telebisyon.
“Gabi-gabi pinapanood kita at lagi kong sinasabi sa sarili ko na mag-aartista ako at makikilala kita at makakaeksena.
“Lahat ng pangarap na ‘yan ay natupad! Ikaw ang kauna-unahang artista na nakita ko at kinausap ako sa ibaba ng opisina ng Regal Films at ang suwerte ko noong araw na ‘yun dahil niyaya mo pa akong kumain ng lunch sa loob ng dubbing room ng Regal. Hindi mo ako inisnab, hindi ako nagkamali ng paghanga sa ‘yo.
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, sobrang saya ng mga oras na ‘yun dahil ikaw na idol ko na pinangarap kong makilala at makaeksena ay nasa harapan ko, kinakausap ako at naging kaibigan ko pa (smiley emoji).
“Akala ko, hanggang doon lang lahat ‘yun. Hindi pala, dahil ang IDOL ko noong lumalaki ako sa Punta Nasipit, Agusan Del Norte ay madadala ko pala dito sa NASIPIT para gumawa ng pelikula. Hahaha! (laughing emoji).
“Ang saya-saya! Ibang klase ka, LORD!! (heart emoji). Maraming, maraming salamat po
(praying emoji).
“Ang aking #pinangarap at naging #Inspirasyon Si FLORDELUNA!!! Miss Janice De Belen (red heart emoji),” pagtatapos ni Sylvia.
Ibang klase talaga ang nag-iisang Sylvia Sanchez, walang kayabang-yabang sa katawan kahit sumikat na bilang artista at producer, nanatili pa ring tagahanga ng magaling na aktres na si Janice De Belen.
Ipinakita rin sa Facebook (FB) post ni Ruth Gadgude ang chapel na regalo ni Sylvia Sanchez sa kanilang barangay.
Ganyan siya ka-generous, a good daughter, sister and friend kaya super blessed.
Nakakatuwa ang kuwentuhan nina Toni Gonzaga at Barbie Forteza sa Toni Talks (TT) sa YouTube (YT) channel noong July 6, Sunday.
Tanong ni Toni, “Paano ‘yung healing doon sa being in a relationship for 7 years and then now, single?”
Sey ni Barbie, “That wasn’t as painful as some people painted it to be. I’m happy, the transition was smooth.”
Single raw ngayon si Barbie.
Pagbabalik-tanaw naman tungkol sa career ni Barbie, tanong ni Toni, “Kailan mo naisip na pumasok sa pag-aartista?”
Sagot ni Barbie, “Siguro, mga 7 or 8, mga ganyan. Sabi ko, ‘Mama, gusto kong makita sa TV.’ Tapos ‘pag nasa kuwarto ako, humaharap ako sa salamin, tapos nagda-dialogue ako mag-isa, tapos nagpa-practice ako umiyak.”
Ang unang commercial na ginawa ni Barbie ay sa isang softdrinks at nagkasunud-sunod na raw after nu'n.
Sa acting, kuwento ni Barbie, “Hindi po ako napansin. May nakilala ho kaming agent sa commercial na nagsu-supply ng extra sa TV. So lumapit kami doon, tapos mga audi-audition. Naging ano ko, young Roxan sa Shake, Rattle and Roll. Tapos, nag-extra ako sa
Darna ni Miss Marian Rivera, sa Lupin ni Sir Richard Gutierrez.”
Tinanong ni Toni si Barbie kung may nanliligaw sa kanya.
Toni: “Hindi ba, ‘pag single ang babae, nagiging magnet s’ya ng mga manliligaw? Paano mo ‘yan hina-handle ngayon?”
Barbie: “Alam mo, Miss Toni, doon ako nahihirapan kasi for the longest time, I was in a relationship. So now that I’m single, I don’t know when someone is trying to show interest or just really genuinely like caring for me or talagang friendship lang ‘yung gusto or flirting na ba ‘to? Hindi ‘ko ma-navigate. Diretsuhin n’yo na kasi ‘di ko talaga naiintindihan ‘yan. Pasensya na kayo.”
Open ba ang puso niya ngayon?
Barbie: “We are open for applicants. Charot!”
And that’s it, mga Marites and tribo ni Mosang, pakisabihan na si David Licauco na open na ang heart ni Barbie.
Pak, ganern!
Comments