Sey mo, Heaven? BEAUTY QUEEN GF NI KIKO, KASAMA NA SA BAKASYON NG PAMILYA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 19, 2022

Pinusuan ng rumored girlfriend ni Kiko Estrada na si Janelle Lewis ang bagong post ng aktor sa Instagram na series of solo photos niya.
Nag-reply naman agad dito si Kiko kaya marami ang kinikilig sa kanila.
Naging usap-usapan na dating ang beauty queen at ang actor at may posted video pa sila sa TikTok.
Nag-post din si Janelle ng mga photos na kasama siya ng pamilya ni Kiko nang magbakasyon ang mga ito.
Well, para sa mga hindi masyadong nakakakilala sa rumored GF ngayon ni Kiko Estrada, si Janelle Lewis ay Miss World Philippines 2021 2nd Princess.
Hindi lang kami sure kung ano ang reaksiyon ni Heaven Peralejo na pagkatapos ng breakup nila ni Kiko ay beauty queen ang ipinalit sa kanya ng ex-BF.





Comments