Sey mo, Heart? ANNE, NAG-SHOPPING NG LUXURY BAGS, WALANG NANG-BASH
- BULGAR

- Jun 8
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 8, 2026

Photo: Circulated
Walang nang-bash nang i-post ni Anne Curtis ang luxury bags ng kanyang shopping spree dahil sabi ng mga netizens, sariling pera ang ginamit ni Anne at hindi galing sa pulitika, ‘di raw tulad ni Heart Evangelista.
Sa caption na, “Chanel-maxxing because I work my a$$ (ass) off. Disclaimer: I was also here for a check up so why not, right? Happy Sunday.”
Puro Chanel yata ang pinamili ni Anne dahil pare-parehong black ang shopping bags.
Sa post ni Mond Gutierrez sa Instagram (IG), nabanggit na magkasama sila ni Anne Curtis sa Singapore para sa isang Chanel event. Kaya doon na rin sila nag-shopping.
MAY inilalayag na WinRi love team sa Senado at ang tinutukoy ay sina Sen. Sherwin ‘Win’ Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros. Nakakatuwa, marami na agad shippers ang dalawa at pinag-usapan na nga nina Korina Sanchez-Roxas, Pinky Webb at Willard Cheng sa Agenda ng Bilyonaryo News Channel (BNC).
Pabor ang mga nabanggit sakaling maging for real ang WinRi love team dahil sabi nga ni Korina, parehong single ang dalawa. Walang nababalitang nililigawan si Sen. Gatchalian after his break-up with Bianca Manalo. Matagal na rin namang single si Sen. Risa at tama ang nabanggit ni Pinky, nasa kanila na ‘yun, “Matanda na sila.”
Dagdag pa ni Korina, “We need all the love in the Senate,” dahil nga sa mga sunud-sunod na nangyayari.
Saka, kumpleto na raw kung may love and romance sa Senado dahil may drama, horror, fiction, comedy at action.
May mga nag-post na rin ng video ng dalawang senador na nagpapakita ng gentleness ni Sen. Win kay Sen. Risa. May request na rin kay Vice Ganda na i-feature sa kanyang vlog ang WinRi love team.
Susunod nito, may request na rin kina Toni Gonzaga, Karen Davila, Julius Babao at sa iba pang may vlog na i-interview ang dalawa.
May hashtag na rin na #WinRi at may account sa X (dating Twitter) na WinRi Official at may mga edits na rin ng videos at photos ng dalawang senador. Nakakaaliw ang comment na, “Hopefully, hindi sila mailang ‘pag nakita nila ang lahat ng memes, edits at fan posts. Have fun, but ship responsibly.”
ANG daming nabudol sa inilabas na teaser ng Star Cinema para sa announcement ng bagong film project na kanilang gagawin. May nag-akalang pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang ia-announce.
May nag-akala pang movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ito. May naniwala pang tambalan nina Dustin Yu at Bianca de Vera ang ilalabas, pero mali lahat ang hula.
Movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Remember ang in-announce at na-interview ang dalawa sa airport kung saan palipad sila pa-Quebec dahil doon kukunan ang ilang eksena ng movie. Si Direk Mae Cruz-Alviar pa rin ang director, ang direktor din ng Rewind na pinagbidahan nina Dingdong at Marian.
Ang Rewind na family drama ay collab ng Star Cinema, APT Entertainment, Regal Films at AgostoDos Pictures ni Dingdong.
Sa interview kay Dingdong sa airport, ibinalitang sisimulan na nila ang shooting at nauna na raw lumipad pa-Quebec si Direk Mae.
Sa binanggit ng host na maraming producers ang movie, “It’s good to work again with the same team plus Regal,” sagot nito.
Ayon naman kay Marian, tamang panahon na gawin nila ni Dingdong ang Remember dahil tatlong taon na pala mula nang gawin nila ang Rewind.
“Siguradong magugustuhan nila ‘to,” sabi ni Marian.
Dagdag pa ni Dingdong, “This year ipalalabas ang Remember ‘di lang sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa.”
May naniniwala na sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) ipapalabas ang bagong pelikula ng DongYan (Dingdong Dantes at Marian Rivera), na mas nagpa-excite sa mga fans at moviegoers. Dagdag na saya raw sa filmfest ang movie ng DongYan.





Comments