Sey mo, Arci? LOVI, RUMAMPA SA RED CARPET ABROAD, DINUMOG NG MGA PAPARAZZI
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 12, 2022

Tulad ni Arci Muñoz na rumampa sa red carpet sa premiere night ng isang Hollywood project, aba, hindi rin nagpakabog ang isa pang Kapamilya actress na si Lovi Poe.
Rumampa rin sa red carpet si Lovi para sa last season series ng Better Call Saul.
Ang matindi lang, pinagkaguluhan ang actress ng mga paparazzi photographers.
Hindi tuloy malaman ni Lovi kung anu-anong pose ang gagawin mapagbigyan lang ang mga paparazzi.
Marami ang na-confused, bakit daw nakarampa ang Kapamilya actress sa premiere night?
Well, iisa lang naman ang sagot diyan. 'Yun ay dahil sa jowa niyang British filmmaker na si Monty Blencowe na may koneksiyon sa Hollywood entertainment.
Isa pa, may Hollywood movie rin naman si Lovi na ginawa, ang Chelsea Cowboy na wala si Arci.





Comments