Sey mo, Alwyn? JENNICA, UMAMING MAKAKABILI NG BAHAY DAHIL KAY COCO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 23, 2022

Simple lang ang dalawang pangarap ni Jennica Garcia — una ay ang makatrabaho ang actor na si Coco Martin at pangalawa ay ang makabili ng bahay.
Ayon sa misis ni Alwyn Uytingco, nalungkot siya nang magtapos na ang action serye ni Coco na FPJ's Ang Probinsyano. Ibig kasi niyang makatrabaho ang aktor.
Naniniwala siya na kung nagkaroon ng pagkakataong nakasama siya sa AP, makakaipon siya ng pera para makabili ng bahay para sa mga anak.
But Jennica is still praying na makatrabaho ang actor-director.
Aniya sa kanyang social media account, “Parang hindi ko matanggap.
“SIDEKICK NI COCO MARTIN, CUTIE.
"Jenni Dalisay nga pala, guys! Story time tayo. Alam n'yo ba na isa ako sa mga sobrang nalungkot nu’ng natapos na ang Ang Probinsyano?
“Nu’ng bumalik kasi ako sa pag-aartista last year, sabi ko sa sarili ko, makasama ko lang si Mister Coco Martin sa isang proyekto, siguro makakapag-ipon ako ng husto tapos makakabili rin siguro ako ng tahanan namin ng mga anak ko.
“Matagal kasi ang naging run ng teleserye ni Mister Coco Martin. “Napakahusay niyang actor at nakikita ng mga manonood ang sinseridad niya sa mga proyekto na kanyang ginagawa.
“Idagdag mo pa na lahat ng actor na kasama sa Ang Probinsyano ay magaling din sa larangan ng pag-arte.
“Ang daming nagmamahal at naniniwala sa husay ni Coco Martin.
“Mahal na mahal siya ng mga katrabaho niya at 'di lang ng mga artista. Hanggang staff at crew malaki ang paghanga sa kanya. Mister Coco Martin earned it dahil masipag at matalino siya.
“Hindi rin mawawala 'yung paghanga at kilig ko siyempre para sa kanila ni Julia Montes. HAHA!
“Nu'ng natapos 'yung Ang Probinsyano, napasabi talaga ako ng ‘Sayang, hindi ko inabot.
Hindi ako nakasali sa kanila.’
“PERO, PERO, PERO ayos lang dahil itong proyekto na ginagawa ko ngayon, may kasama akong AGILA! Si Miss Angel Aquino na ubod ng ganda.
“Isa pa, hindi naman du'n nagtatapos ang proyekto na gagawin ng isang Coco Martin.
“May chance pa, LESGAW! (Let's go!)
“Flex ko na ngayon pa lang para 'pag nangyari, balikan po natin itong post ko, ha?
“P.S. Lord, pagalawin mo na po 'yung baso. Handa na po 'ko sa ilalapag mo,” ang mahabang post ng anak ni Jean Garcia.
Ayan, paging Cardo Dalisay, sana raw ay mabasa mo ang mahabang post ng sidekick mong si Jenni Dalisay.
Sabagay, hindi naman maitatangging mahusay na aktres si Jennica.





Comments