Sey mo, Alwyn? JENNICA, PROUD NA BENTANG-BENTA ANG BYUTI SA MGA KOREANO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 23, 2023

Kung dati ay iniisnab-isnab ng mga Kano (Afam) ang beauty ni Jennica Garcia, bentang-benta naman siya sa mga Koreano.

Ito ang nakakatuwang kuwento ni Jennica sa ilang kaibigan. Napatunayan niya ito nang magpunta siya sa Korea. Dito raw siya napansin ng ilang Korean guys.
Pero, wala naman siyang balak na makipagrelasyon sa isang Koreano. At hindi niya prayoridad ang kanyang love life. Ang kanyang career at mga anak ang mahalaga sa kanya ngayon.
Thankful din si Jennica na kahit papaano ay may mga projects na dumarating sa kanya ngayon.
Malaking tulong sa kanya na napasama sa seryeng Dirty Linen. At ngayon ay co-host siya sa noontime show na It’s Your Lucky Day kasama sina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros atbp. kahit pa sabihing 12 days lang eere ang show.





Comments