Sey mo, AJ? CHRISTINE, BAGONG PANTASYA NG BAYAN
ni Nitz Miralles - @Bida | August 19, 2022

May kakaibang ritwal ang Viva sexy star na si Christine Bermas bago kunan ang sexy scenes o daring scenes niya sa bawat ginagawang pelikula. Kailangan muna niyang mag-isa, nag-i-internalize at dapat ay may salamin sa papasuking kuwarto. Ginawa rin niya ito sa VivaMax erotic film na Lampas Langit.
“Madalas, pumapasok ako sa bathroom at humaharap ako sa mirror at tinitingnan ko ang sarili ko. Hubad ako na nakaharap sa mirror para mas free ako at doon ko sine-search ang confidence ko. Pini-feel ko ang moment at ‘pag nakaharap na ako sa camera, hindi na ako ‘yun, ako na ang character na ginagampanan ko,” sabi nito.
Sa tanong nga kung she touches herself sa maselang parte ng katawan niya, “Opo, ginagalaw ko ang sarili ko,” pag-amin nito.
Nakatutulong ang ritwal na ‘yun ni Christine dahil matapang at wala siyang inhibition sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ni Director Jeffrey Hidalgo.
May love scene nga sila ni Chloe Jenna na nagawa nila nang walang reklamo dahil sa tiwala sa kanilang director.
Ngayong August 19 na simulang mapapanood sa VivaMax ang Lampas Langit na kasama rin sa cast sina Ricky Davao, Ivan Padilla, Quinn Carillo at Milana Ikemoto na hindi rin umaatras sa hubaran.
Si Raquel Villavicencio ang scriptwriter ng movie na ang story ay mangyayari at iikot sa condominium.
In-introduce pala sa mediacon si Christine na “Bagong Pantasya ng Bayan”. Ano kaya ang masasabi rito ni AJ Raval at iba pang sexy stars ng Viva?





Comments