top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

SEXY STAR NA DATING PANTASYA NG BAYAN, MATRONA NA ANG HITSURA AT KATAWAN

BULGAR
Jun 16, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 16, 2022


BLIND ITEM:


Mukhang hindi na conscious sa kanyang body figure ang dating sexy star na pinagpapantasyahan noon ng mga kalalakihan.


Hindi lang mga aktor at basketbolista ang nabihag sa kanyang kagandahan noon. May mga royalty o dugong-bughaw at pulitiko rin ang nabaliw sa kanyang kaseksihan.


Talagang pinakinabangan niya nang husto ang kanyang katawan kaya nakapagpundar siya ng mga properties.


Pero ang kanyang sex appeal ay kasabay na naglaho nang lumapad na ang kanyang katawan. Wala na ring balita ngayon sa mayayamang lalaki na kanyang nakarelasyon. Ang dati niyang sexy figure ay mala-matrona na ngayon.


Sa isang showbiz event na dinaluhan ng dating sexy star ay naging sentro siya ng usapan ng movie press. Marami ang nagtataka kung bakit hinayaan ng sexy star na lumapad nang husto ang kanyang katawan.


Kung tutuusin ay hindi pa naman masyadong masyonda ang dating sexy star.


Puwedeng-puwede pa siyang mag-artista basta magbawas siya ng timbang. Maganda pa rin naman ang kanyang mukha.


Pero, mukhang hindi na rin interesado ang dating sexy star na bumalik sa pag-arte. Iba na ang kanyang goal ngayon kaya dedma siya kahit na matrona na ang kanyang figure.

May love life naman siya ngayon at mukhang mahilig siya sa mga foreigners.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page