Sexy star, masyonda na raw... SIGAW NG FANS NI JULIA: IVANA, ATE NA LANG NI JOSHUA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 30, 2022

Grabe ang ginagawang pamba-bash ngayon kay Ivana Alawi ng mga diehard fans nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Nagsimula ito nang mabalitang nililigawan ni Joshua ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi.
Kasunod nito ang pag-amin ni Ivana na crush niya ang ex-BF ni Julia at maraming fans ang kinikilig ngayon sa JoshVana love team.
Hindi ito nagustuhan ng mga JoshLia fans. Ayaw nilang may ibang babae na iniuugnay kay Joshua Garcia. At hindi raw bagay si Ivana kay Joshua dahil para raw silang mag-ate 'pag magkasama ni Joshua. Mas matanda raw tingnan si Ivana, samantalang boyish si Joshua.
Well, napaka-selfish naman ng JoshLia fans na laging nakabakod-nakabantay kay Joshua.
Alam naman nila na si Gerald Anderson na ang karelasyon ngayon ni Julia, bakit nila pagbabawalan si Joshua na lumigaw sa iba at muling lumigaya?
Kahit na ano pa ang gawin ng mga fans nina Julia at Joshua, hindi na maibabalik sa dati ang tambalang JoshLia. Move on na lang ang mga fans at tanggapin ang katotohanan.
Huwag nilang tularan ang AlDub fanatics na hanggang ngayon ay hindi pa matanggap na hindi totoo ang relasyong Alden Richards-Maine Mendoza at pang-showbiz lang ang kanilang love team.





Comments