top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sexy actress, nasa oath taking sa M’cañang… ALEXA, TANGGAP NG PAMILYA MARCOS PARA KAY SANDRO

BULGAR
Jul 4, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 4, 2022



Sa Malacañang nag-oath taking ang anak ni President Ferdinand Marcos, Jr. na si Sandro Marcos bilang congressman ng 1st District ng Ilocos Norte. Mismong sa harap ng amang si Bongbong sumumpa si Sandro.


Namataan sa Malacañang Palace ang rumored girlfriend niyang si Alexa Miro dahil imbitado ito sa panunumpa ng boyfriend.


Si Alexa ay isang artista at lead actress sa A Girl & A Guy, ang sexy film ng direktor na si Erik Matti na matagal namayagpag sa Netflix Philippines, kaya nakilala agad siya ng ibang mga bisita sa Palasyo.


Ang pagdalo ni Alexa sa oath taking ni Sandro ang isang patunay na tanggap siya ng pamilya ng presidential son, kahit hindi pa sila nagsasalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


Nakasuot ng white Mark Bumgarner gown ang nasabing sexy actress.


Si Alexa ang nagsilbing photographer ni Sandro habang nanunumpa ito sa amang pangulo. Background lang talaga si Alexa.


Pangarap niyang maging aktres na nagsimula bilang contestant ng Munting Miss U ng Magandang Tanghali Bayan noong 2001, ang defunct noontime show ng ABS-CBN.

Bago nabigyan ng malaking break sa A Girl & A Guy, gumawa si Alexa ng mga commercials at nagkaroon ng mga teleserye.


Nag-aral siya ng Communication Arts sa De La Salle University. Personal choice ni Direk Matti si Alexa para magbida sa A Girl & A Guy.


Pahayag ng direktor, “Magaling talaga si Alexa. Magaling siya. Vulnerable, sensitive."


Pinag-uusapan ngayon ang name ni Alexa dahil nali-link siya sa First Son na si Sandro.


Wala pang tuwirang pag-amin ang dalawang personalidad ukol sa kanilang relasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page