top of page

Sexy actress, ginawa raw sugar mommy noon ng aktor… IVANA, DAWIT SA BREAKUP DAW NINA MARCO AT CRISTINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 26, 2025



Photo: Cristine Reyes at Marco Gumabao at Ivana - Instagram


Kung gaano katindi ang init ng panahon, saka naman lumalamig ang feelings sa isa’t isa ng ilang celebrity couples.


Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang pag-unfollow sa isa’t isa ng magdyowang Cristine Reyes at Marco Gumabao sa Instagram.


Marami ang na-surprise sa tsikang ito, lalo pa’t matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Cristine at Marco.


Sey ng mga netizens, uso raw yata ang pag-unfollow at hiwalayan ng mga magdyodyowa sa showbiz:


“Unfollow month.”


“Ayaw pahuli sa trend. Sino pa kaya ang susunod?”


“So, ganito na pala ang sign ng breakup o ‘di pagkakaunawaan ng mga artista din. Unfollow-han to each other it means may problema ang magdyowa.”


And as expected, burado na rin ang mga larawan nina Cristine at Marco na magkasama sa kanilang respective social media accounts.


“Nakakaloka! Sumasabay pa sa mga hiwalayan issue. Dahil ba summer na? Summer fling and romance, ganern?”


Nakatawag naman ng atensiyon namin ang pagdawit kay Ivana Alawi sa comment-post ng mga netizens:


“Baka napanood ‘yung interview ni Ivana, LOL (laugh out loud).”


“S’ya (Marco) ‘yung sinasabi ni Ivana na ex-BF n’ya na ginagawa s’yang sugar mommy.”

“Geez, ‘yung sa hotdog ba ‘yun? Hala, inaway for sure ni C buong magdamag.”  

“Baka ‘yung nagpabili ng relo. Hahaha!”

“Lesson to girls: ‘Wag kasi bigay na bigay agad.”

Hays…



MALUNGKOT na nakiramay ang kilalang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan sa wake ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Nakita namin si Dr. Manny sa huling gabi ng burol ni La Aunor sa The Heritage Park sa Taguig City. Hindi puwedeng palampasin at ‘di masilip ni Dr. Manny ang Superstar sa huling sandali dahil nagkaroon sila ng magandang relasyon.


Proud Calayan “baby” ang Superstar since 2023. Kay Dr. Manny nagpapa-beauty treatment si La Aunor even up to the time na medyo may isyu na sa kanyang kalusugan.

Sabi ni Dr. Manny sa amin, “Hirap na s’ya nu’n huminga, kaya-naka-elevate head n’ya sa facial bed.”


And what a coincidence, member ang daughter nina Dr. Manny at Dra. Pie Calayan sa Philippine Madrigal Singers na kumanta sa Metropolitan Theater para sa bonggang tribute kay Nora as a National Artist bago ihatid sa kanyang huling himlayan sa Libingan ng mga Bayani.



FINALLY, naipalabas na ang first scene ng aktres na si Andrea Brillantes kasama ang Primetime Drama King na si Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) this week.


Sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment and CCM Film Production, inilabas ni Andrea ang kanyang naramdaman sa shoot ng eksena nila ni Coco.


“Kinabahan po ako nang todo kasi first scene ko sa kanya. Mayroon pa akong balisong so nag-practice pa ako sa left hand, sa right hand para prepared ako,” lahad ni Andrea.


Dahil dito, naalala ni Andrea ang kanyang childhood dream na maging direktor.


“Naaalala ko dati noong medyo nagsisimula pa lang ako mag-artista, like 12 years na akong artista, siguro ‘yung 1st six years ko, pangarap ko rin maging direktor.


“So, nakakatuwa na makita si Direk CM na artista rin. Hindi lang s’ya artista, producer and director siya. Kahanga-hanga, sobra. Sobrang maalaga ni Direk CM at iga-guide ka niya talaga sa bawat galaw at mahaba ang pasensiya n’ya,” sey pa ni Andrea.


Sa episode ng BQ last Tuesday, nagtagpo na si Fatima (Andrea) at si Tanggol (Coco) for the first time.


Ang BQ ay napapanood gabi-gabi, 8 PM, on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, and TV5. It’s also available on iWantTFC and TFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page