Sexbomb Girls, makukulit pa rin daw… ROCHELLE, NAGBABATO NG SILYA ‘PAG GALIT
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 27, 2026

Photo: Rochelle Pangilinan - IG
Inanunsyo ni Rochelle Pangilinan na may gagawing pelikula ang Sexbomb Dancers. Ibinalita niya ito sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) recently.
Natanong ang aktres-dancer kung ano na ang next sa Sexbomb matapos ang malaking tagumpay ng kanilang reunion concert na Get, Get, Aww!
“Ang next po, marami. Kami po sana, hangga’t maaari, kung kaya, gagawin po namin ang lahat. But ‘yun, may planong movie, may documentary na ilalabas, and may mga songs na sana ilabas namin, and marami pa po,” sey ni Rochelle.
Ibig lang sabihin nito ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbabalik ng grupo sa limelight at mukhang nandito na talaga sila ulit.
Pero siyempre, ayon kay Rochelle, may limitasyon din ang kanilang mga gagawin dahil hindi na sila mga bata at may kani-kanya na ring pamilya.
“Ang Sexbomb kasi, bilang may edad na, may hangganan din. But s’yempre, kung ano ‘yung kaya pa, gagawin po namin,” aniya.
Sey pa ni Rochelle, through the years ay may mga pagbabago na rin sa mga miyembro, pero marami pa rin naman ang hindi nagbabago.
“‘Yung mga nabago, mas mature na ‘yung Sexbomb Girls ngayon. And ‘yung mga ‘di nabago, ang kukulit pa rin ng lahat. Ang tingin pa rin nila sa ‘kin, leader pa rin, tapos kailangan asikasuhin mo sila lagi, tapos isip-bata pa rin ‘yung karamihan,” aniya.
Of course, hindi maiiwasan na mayroon pa ring disagreements among members, pero hindi na raw nagsisigawan at hindi na rin niya kailangang magbato ng silya kapag nagagalit.
“Ay, meron pa rin po, ‘di naman din ‘yan maiiwasan. Mas mababa na ang mga boses, at saka kailangan ine-explain sa kanila. ‘Di na ako umaabot sa point na maghahagis pa ako ng bangko,” aniya.
INILABAS na ng ABS-CBN ang poster at teaser ng inaabangang primetime series na Someone, Someday (SS) na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid.
Solo lang sa poster si Kathryn at feeling namin ay may sarili ring poster ni James na ilalabas.
Kasama rin nina Kathryn at James si Maja Salvador, at ito ang pagbabalik nilang tatlo sa teleserye.
Ang kuwento ng SS ay tungkol sa isang female CEO na gumawa ng dating app para matulungan ang mga kababaihan na makahanap ng pag-ibig.
To celebrate the upcoming premiere, the cast of Someone, Someday will join the Primetime Bida motorcade alongside the stars of Coco Martin’s Sigabo on June 28 (Sunday) at 4 p.m. in San Fernando, Pampanga. Leading the cast are Kathryn, James, McCoy De Leon, Gela Atayde, Matt Evans, and more.
Malapit nang mapanood ito sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), iWant, TFC, at streaming first on Netflix.





Comments