top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Serye nila, baka raw maapektuhan… KATHRYN, ‘DI MAAMING BF SI MAYOR MARK DAHIL KAY JAMES REID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 54 minutes ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 31, 2026



Serye nila, baka raw maapektuhan… KATHRYN, ‘DI MAAMING BF SI MAYOR MARK DAHIL KAY JAMES REID

Photo: IG



Nagbigay ng taos-pusong birthday message ang aktres na si Iwa Moto para sa kanyang fiancé na si Pampi Lacson.


Sa social media, ibinahagi ni Iwa ang isang carousel ng mga larawan na nagpapakita ng masasayang sandali nila bilang pamilya.


Sa kanyang caption, ipinahayag niya ang pagmamahal, pasasalamat, at paghanga kay Pampi bilang partner at ama. Ipinakita rin nito ang tibay ng kanilang relasyon at ang kanilang mga plano para sa hinaharap.


“Maligayang kaarawan sa aking magiging asawa,” mensahe ni Iwa.

Aniya pa, “Mahal na mahal kita, Mahal. Salamat sa pagpapasaya mo sa akin at sa pagiging isang kahanga-hangang ama. Hanggang sa kawalang-hanggan at higit pa, ikaw ay akin magpakailanman.”



Ayon sa isang insider ng network, kaya raw hindi pa kinukumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo ang relasyon nila ni Lucena Mayor Mark Alcala ay dahil sa kanyang paparating na teleserye kasama si James Reid. 


May pangamba umanong maapektuhan ang pagtanggap ng publiko sa proyekto kapag opisyal niyang inamin ang kanyang bagong relasyon. Kaya, mas pinili niyang manahimik tungkol sa usaping personal.


Matagal nang hinihintay ng mga tagahanga ang pag-amin ng aktres tungkol sa kanyang bagong buhay-pag-ibig. 


Noong nakaraang taon, nagsimulang umugong ang mga usap-usapang nag-uugnay sa aktres at sa alkalde dahil ilang beses silang nakitang magkasama sa mga malls, restaurant, airport, at kamakailan lamang ay sa isang weekend market. 

Gayunman, nananatiling tikom ang bibig ng aktres at wala ring pahayag mula sa kanyang management.


'Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig, marami ang naniniwalang may namamagitan sa dalawa batay sa mga larawang lumalabas sa social media.


Sa ngayon, kumpirmasyon mula mismo kay Kathryn Bernardo ang hinihintay ng publiko.


NAGPIYANSA ng P90 thousand si Sen. Jinggoy Estrada matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y budget insertions at kickbacks sa mga flood control projects na nagkakahalaga ng P573 milyon.

“Posting bail is a legal remedy available to me under our justice system, and I intend to avail myself of every lawful means to defend myself and clear my name,” pahayag ni Estrada.

Naghain na rin ang kanyang legal team ng mosyon para bawiin ang arrest warrant.

Mariing itinanggi ng senador ang mga akusasyon at iginiit na walang basehan at malisyoso ang mga ito.


Samantala, pinag-aaralan ng Sandiganbayan 5th Division, na humahawak sa kanyang non-bailable plunder case, ang inihaing mosyon bago magpalabas ng warrant of arrest.

Nauna rito, pinayuhan ni Interior Sec. Jonvic Remulla si Estrada na sumuko na lamang.

“He mentioned that he needed knee replacement surgery. I replied that it’s up to the Sandiganbayan’s appreciation. Our job is to process his arrest and submit him to the Sandiganbayan,” ani Remulla.


Nadawit si Sen. Jinggoy Estrada matapos akusahan ni dating DPWH (Department of Public Works and Highways) Bulacan District Engineer Brice Hernandez na tumanggap ng mga kickbacks mula sa mga flood control projects, bagay na agad niyang pinabulaanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page