top of page

SERYE NI JILLIAN, BAWAL NANG PANOORIN NG MGA GOVT. EMPLOYEES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 25, 2023





Si Dina Bonnevie at si Gabby Eigenmann ang mga guests ngayon sa Abot-Kamay na Pangarap, pero hindi na masusubaybayan ng mga empleyado sa isang siyudad sa Visayas ang mangyayari sa mga karakter nina Gabby at Dina. Pinagbawalan na kasi sila ng kanilang mayor na manood ng telebisyon sa oras ng trabaho.


Huling-huli ang mga empleyado. May nagpadala sa kanilang mayor ng photo na nanonood sila ng Abot-Kamay na Pangarap sa oras ng trabaho. Lahat nakatutok sa telebisyon, kaya hindi sila makakapag-deny.


Isang concerned citizen daw ang kumuha ng litrato at ipinadala kay mayor na ipinost nga ang photo at may paalalang “I would like to remind all the government employees of your pledge to the people and the city.”


Ang latest, inalis na raw ang telebisyon sa work area ng mga empleyado na sumusubaybay sa afternoon soap ng GMA-7, kaya hindi na sila makakapanood.


Makibalita na lang sila sa mga kaibigan nilang nanonood.


Si Gabby ay gumaganap na celebrity chief na pasyente ni Dr. Anayln (Jillian Ward) at si Dina naman ay gaganap bilang si Giselle na kapatid ni Dr. RJ Tayag (Richard Yap).


Abangan natin kung magiging kaaway o kakampi ba siya ng pamangkin niyang si Analyn.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page