SERYE NI COCO, MALA-CHOPSUEY NA SA DAMI NG ARTISTA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 14, 2023

Okay na ang original cast ng Batang Quiapo na binubuo nina Coco Martin, Lovi Poe, Charo Santos, Sen. Lito Lapid, Lorna Tolentino, John Estrada, Pen Medina atbp..
Buo naman na ang kuwento ng Batang Quiapo at para sa amin, hindi na kailangan na pasukan pa ito ng maraming guest stars.
Magmumukha lang na chopsuey ang istorya at hindi na base sa orig na Batang Quiapo ni FPJ.
Dapat ay mag-concentrate na lang si Coco sa istorya at 'wag nang lagyan pa ng subplots para lang ma-accommodate ang ibang artista na gusto niyang ipasok sa serye.
Hindi naman paramihan ng malalaking artista ang labanan ngayon sa serye. Ang hinahanap ng viewers ay 'yung makaka-relate sila sa kuwento at maiintindihan nila ang takbo ng istorya.
Kahit lima o anim lamang ang major characters, tatayo pa rin ang istorya at panonoorin ng masang Pinoy lalo na kung magagaling ang mga artista.
Mas matatandaan ng mga viewers ang mga characters kung nagtatagal ang kanilang exposure sa serye at hindi mukhang guest lamang.





Comments