top of page

Serye, boboykotin daw… SIGAW NG FANS: RATINGS NG INCOGNITO, BABAGSAK ‘PAG TINANGGAL SI BARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 27, 2025



Photo: Baron Geisler sa Incognito - IG



May isang sikat na aktres na ipapasok daw sa series na Incognito na makakapalit ni Baron Geisler. 


Marami ang nagsasabing si Angel Locsin ito o si Jodi Sta. Maria. Pumasok din ang pangalan ni Kathryn Bernardo.


Ito naman ang mga reaksiyon ng mga netizens…


“Angel Locsin might not be able to stand scenes with severe fights because of her health issues, concern only.”


“Parang mas malakas kung si Angel Locsin ang gaganap.”


“Angel na lang kung hindi si Baron (Geisler).”


“Angel Locsin is the best choice.”


“Sino naman kaya ‘yun, sana magaling sa action, hindi pabebe.”


Pumasok din ang name ni Nadine Lustre na mas okey naman daw kaysa kay Kathryn na laging pabebe.


Sey pa ng mga Marites… “Janine Gutierrez, bagay sa kanya.”


“Angel Locsin is perfect. General’s Daughter will be the best sniper.”


Sey naman ng mga avid viewers ng Incognito, “Boykot kami ‘pag inalis ‘to si Baron sa season. Maniwala kayo, babagsak ang ratings n’yo.”

May ganu’n? Grabe naman…


Join na rin sa showbiz…

ANAK NI NEIL, MAS KAMUKHA NI ANGEL


Puspusan ang suporta ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang stepson na si Joaquin Arce sa pagpasok nito sa showbiz.


Tinanong pa nga raw ni Angel si Joaquin kung desidido talaga, and he said “yes”.

Kaya amazed daw si Joaquin nang makitang  ipinost ni Angel ang suporta sa kanya nang i-launch ng Star Magic last Friday.


Guwapo ang anak ni Neil Arce, pero marami ang nagsasabing mas kahawig ni Angel si Joaquin.


Sey ng isang netizen, “Mas malaki ang hawig n’ya kay Angel.”


Ayon kay Joaquin, “I’m so grateful for what my Tita Angel did. When I saw it, I was so happy ‘coz you know, I felt that she’s sincere. I know she’s a great actress and I admire her acting prowess.”


May nagtanong kung kailan sila gagawa ni Angel ng project?


Very polite na sumagot si Joaquin, “Hmmm... maybe s’ya na lang po ang tanungin n’yo.”

Ito naman ang sey ni Angel sa Instagram (IG) Story kung saan ini-repost niya ang video ni Joaquin mula sa Star Magic, “Can’t wait to work with you.” 


Hmmm… magbalik na kaya si Angel Locsin sa showbiz matapos ang mahabang panahon na walang paramdam? Abangan natin ‘yan!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page