Service incentive leave sa mga empleyado
- BULGAR
- Apr 30, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 30, 2021
Dear Chief Acosta,
Tatlong taon na akong nagtatrabaho bilang janitor sa maliit na tindahan kasama ng walong iba pang regular na trabahador nito. Wala kaming paid vacation leaves na benepisyo kung kaya’t humingi ako ng service incentive leave pay mula sa pamunuan ng tindahan ngunit hindi sila pumayag dahil kakaunti lang diumano kaming empleyado nito. May batas ba tungkol dito? – Franchesca
Dear Franchesca,
Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Article 95 ng Labor Code of the Philippines kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Article 95. Right to service incentive leave. Every employee who has rendered at least one year of service shall be entitled to a yearly service incentive leave of five days with pay.
This provision shall not apply to those who are already enjoying the benefit herein provided, those enjoying vacation leave with pay of at least five days and those employed in establishments regularly employing less than ten employees or in establishments exempted from granting this benefit by the Secretary of Labor and Employment after considering the viability or financial condition of such establishment.
The grant of benefit in excess of that provided herein shall not be made a subject of arbitration or any court or administrative action.”
Ibig sabihin, ang bawat kuwalipikadong empleyado na nakapagtrabaho na ng hindi bababa sa isang (1) taon ay entitled sa taunang service incentive leave ng limang araw na may kabayarang sahod. Subalit, hindi ito naaangkop para sa mga empleyado na nakatatanggap na ng vacation leave with pay na hindi bababa sa limang (5) araw, at mga establishments na regular na nagpapatrabaho ng mas mababa sa sampung (10) empleyado o mga establishments na exempted ayon sa Secretary of Labor and Employment.
Sa inyong sitwasyon, ang inyong establishment ay regular na nagpapatrabaho ng walong empleyado lamang. Dahil dito, hindi naaangkop ang probisyon ng batas sa service incentive leave pay sa mga empleyado sa nasabing establishment kung kaya’t maaaring hindi kayo bigyan ng nasabing benepisyo ng inyong employer.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Comments