Karapatan at obligasyon ng mga may passport
- BULGAR
- 4 hours ago
- 4 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 25, 2025

Polisiya ng Republic Act (R.A.) No. 11983, o ang “New Philippine Passport Act,” na ganap na naging batas noong Marso 11, 2024, ang pagkilala nito sa karapatan ng mga mamamayan na maglakbay. Ito ay alinsunod sa Article III, Section 6 ng ating Saligang Batas na nagtatadhana na ang karapatang maglakbay ay hindi maaaring pigilan maliban sa interes ng pambansang seguridad, kaligtasan ng publiko, o kalusugan ng publiko, gaya ng maaaring itadhana ng batas.
Patakaran ng Estado ang protektahan ang constitutional rights ng mga mamamayan sa paglalakbay habang tinitiyak na ang pag-iisyu ng isang pasaporte o anumang dokumento sa paglalakbay ay alinsunod sa mga international instruments. Layunin ng batas na magbigay ng ligtas, personalized passport at data management technology upang mapahusay at mabigyan ng proteksyon ang paggamit ng karapatang maglakbay.
Ang Estado ay dapat lamang maghayag ng mga minimum requirements at dapat tiyakin ang mabilis na aksyon sa mga aplikasyon at pag-isyu ng mga pasaporte at iba pang mga dokumento na kinakailangan sa paglalakbay.
Alinsunod dito, ang Kalihim ng Ugnayang Panlabas o Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary, o sinumang awtorisadong opisyal ng konsulado ay maaaring mag-isyu ng mga pasaporte alinsunod sa batas na ito. Ang mga opisyal ng konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa ay dapat pahintulutan ng Kalihim ng DFA na mag-isyu, magtanggi, o magkansela ng pasaporte sa lugar ng hurisdiksyon ng foreign service posts (FSP) alinsunod sa mga probisyon ng batas na ito.
Sa interes ng pambansang seguridad, kaligtasan, at kalusugan ng publiko, at alinsunod sa Seksyon 5 at 10 ng batas na ito, ang Kalihim ng DFA, o sinuman sa mga awtorisadong opisyal ng konsulado, ay maaaring tanggihan ang pagbibigay ng pasaporte o kanselahin ang isang pasaporte. Subalit ang pag-isyu ng isang pasaporte ay hindi maaaring tanggihan kung ang kaligtasan at interes ng mamamayang Pilipino ay nakataya. Ang pagtanggi o pagkansela ng isang pasaporte ay hindi makapipigil sa pagpapalabas ng isang emergency travel document upang bigyang-daan ang ligtas na paglalakbay ng isang Pinoy pabalik sa Pilipinas.
Ayon sa Seksyon 8 ng batas na ito, ang mga tinataguriang emergency travel documents ay ang mga sumusunod:
“(a) Emergency Passports shall be issued to Filipino travelers who have lost their passports while traveling overseas and are justifiably in need to complete their intended overseas travel prior to their return to the Philippines or their residence overseas. This shall be valid for one (1) year from the date of issuance; and
(b) Emergency Travel Certificate shall be issued to Filipinos returning to the Philippines who have lost their passports overseas or cannot be issued a regular passport. This certificate shall be valid for thirty (30) days up to six (6) months from the date of issuance.”
Nakapaloob din sa batas na ito ang mga dahilan kung kailan maaaring tanggihan ang pagbibigay ng pasaporte o kanselahin ang pasaporte ng isang tao, katulad ng mga sumusunod:
“(a) Denial of Issuance of Passport:
(1) Upon orders of the court to hold the departure of an individual;
(2) Upon submission of a duly notarized request by the person exercising parental authority over a minor of incapacitated applicant;
(3) When the applicant has been found to have violated any of the provisions of this Act; or
(4) Such other disqualification under existing laws;
(b) Cancellation of Passports:
(1) Upon orders of the court, when the holder has been convicted of a criminal offense: Provided, that a passport may be issued after service of sentence;
(2) Upon orders of the court, when the holder is a fugitive from justice;
(3) Upon orders of the court, when the holder is a suspected terrorist charged with any violation of Sections 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, and 12 of Republic Act No. 11479 or "The Anti-Terrorism Act of 2020": Provided, that a passport may be issued upon: (1) acquittal of the accused, (ii) the dismissal of the case filed against such person, or (iii) the discretion of the court on motion of the prosecutor or of the accused;
(4) When a passport was acquired fraudulently, tampered with, or issued erroneously; or
(5) When a passport is returned to the DFA by other government agencies or entities: Provided, that cancellation of the passport will not prevent the holder from being issued a new passport.”
May mga pagkakataon din kung saan ang pasaporte ay binibigyan ng mga paghihigpit, katulad sa mga sumusunod na pagkakataon:
Kapag ang isang hold departure order o precautionary hold departure order ay inisyu ng isang karampatang hukuman laban sa isang pinaghihinalaang tao o isang respondent sa isang kriminal na kaso;
Kapag ang bansang itinalaga ay nasa estado ng kawalang-katatagan sa pulitika na maaaring magdulot ng panganib sa manlalakbay na Pilipino;
Kapag ang diplomatikong relasyon o ugnayan sa Pilipinas ay naputol; o
Kapag ang bansang patutunguhan ay napapailalim sa paghihigpit sa paglalakbay ayon sa patakaran ng pamahalaan, pagkilos ng pagpapatupad ng UN, o nasa ilalim ng digmaan.
Ang pagtanggi sa aplikasyon o pagkansela ng pasaporte para sa mga dahilan maliban sa utos ng korte ay maaaring iapela sa Kalihim ng DFA. Pakatandaan lamang na ang isang pasaporte ng Pilipinas ay nananatiling pag-aari ng gobyerno sa lahat ng oras at hindi maaaring kumpiskahin ng sinumang indibidwal o ahensya maliban sa DFA. Anumang ibang ahensya ng gobyerno, opisyal, o empleyado na kumumpiska ng pasaporte o dokumento sa paglalakbay ay dapat na agad ibigay ito sa DFA.
Comments