Series lang, hindi Hollywood film… HEART, 2 MINS. LANG ANG EKSENA SA BLING EMPIRE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 9, 2022

May ilang celebrities ang nainggit kay Heart Evangelista dahil nakasama ito sa Bling Empire na isang American reality television series.
Kuwento ito ng buhay ng mayayamang Asian-American na naninirahan sa Los Angeles, California, USA.
Sa episode 9 ng Season 3 ng Bling Empire nakasama si Heart at nakaeksena niya ang Fil-Am celebrity friend niyang si Kane Lim na mainstay ng Bling Empire.
Pero, two minutes lang ang eksena niyang 'yun na kasama si Heart. Sinamahan si Heart ng sikat na Filipino fashion designer na si Mark Bumgarner nang magteyping sa Bling Empire.
Sa nasabing guesting ni Heart, off-cam ay napag-usapan at kinumusta ang kanyang love life. Hindi pa nababalita noon ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.
Well, may ilang netizens ang nag-comment na hindi naman pala big deal ang pagkakasama ni Heart sa Bling Empire dahil 2 minutes lang ang kanyang exposure. At TV series lang 'yun, hindi isang Hollywood movie.
OA naman daw ang press release tungkol sa nasabing guesting ni Heart sa Bling Empire.





Comments